
Ni ARCHIE LIAO
GUSTONG sundan ng Ilongga beauty na si Ysabelle Palabrica ang yapak ni Liza Soberano kaya bet niyang pasukin ang pag-aartista.
Katunayan, idolo raw niya si Liza at lahat ng pelikula at serye nito ay kanyang pinapanood.
Sa teleserye, paborito niya ang “Dolce Amore” na nagtampok sa tambalang LizQuen.
Pagdating naman sa mga pelikula, may soft spot sa kanya ang kilig movie na “Just The Way You Are” na pinagbidahan din ng kanyang idol.
14 years old pa lang si Ysabelle pero makikita mo na ang marubdob na pagnanasa niya na makapasok at makagawa ng pangalan sa showbiz.
Ani Ysabelle, bata pa lang daw kasi siya ay pangarap na niyang mag-artista.
“Bata pa po ako, gusto ko na pong mag-artista. Minsan po, nagprapraktis po ako sa harap ng salamin po,” pahayag niya.
Bilang isang grade 9 student, naniniwala rin siyang puwede niyang mabalanse ang kanyang pag-aaral at pag-aartista.
Isa si Ysabelle sa promising talents ng Jamsap Entertainment Corporation na nagkaroon ng grand launch kamakailan sa SMX Convention Center.
Dagdag pa niya, bagama’t hindi pa siya ganoon ka-confident sa sarili, naniniwala siyang with Jamsap ay mahahasa pa ang kanyang talent.
Hirit pa niya, gusto rin daw niyang ipagmalaki siya ng kanyang parents na sina JeAn Magno Palabrica at Bingawan, Iloilo mayor Mark Palabrica.
“Gusto ko pong mahasa ang talent ko. Saka di pa rin po ako ganoon ka-confident pero gusto ko pong maging proud ang parents ko,” pahayag ni Isabelle.
Nagpapasalamat din siya dahil suportado ng parents ang kanyang pag-aartista.
Kuwento pa niya, apat daw silang magkakapatid pero siya lang daw ang gustong sumabak sa local entertainment scene.
Bukod sa pag-aartista, gusto rin ni Ysabelle na maging modelo.
Ang Jamsap Entertainment Corporation ay pinamumunuan ng kanilang Chief Executive Officer na si Jojo Flores at Chief Operating Officer na si Maricar Moina.
Ang Jamsap Entertainment Corporation ay katuwang ng Philippine Movie Press Club bilang producer ng 2023 Star Awards for Television.
The post Ysabelle Palabrica, gustong sundan ang yapak ni Liza Soberano appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: