NASAGIP ng pamahalaan ang isang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) na ginawang cryptocurrency scammer sa Cambodia, ayon sa isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Undersecretary Hans Leo Cacdac, malapit nang umuwi sa Pilipinas ang mga nabiktimang manggagawa.
“Meron tayong at least mga 9 ano, yun yung nasa ulat na natanggap namin na nasagip at of course soon they will be repatriated,” aniya.
Dagdag pa ni Cacdac, patuloy ang kanilang operasyon para masagip ang iba pang Pilipinong nangangailangan ng tulong sa Cambodia.
“Alam natin na merong, meron pang, ito’y ongoing kasi yung mga, yung mga tinatawag na mga cryptocurrency scam, mga call center na nagsasagawa ng illegal activities in Cambodia, so alam natin na merong mga possible pang nabibiktima nito,” ayon sa opisyal.
“Kaya’t we are cooperating, ang mahalaga dito we are cooperating, coordinating with the Cambodian authorities at sabay nito, naalertohan na rin ang Department of Justice natin, at ang IACAT, Inter-Agency Council Against Trafficking, para yung (Philippine National Police) at NBI naman ay makapag-ugnayan sa kanilang counterpart sa Cambodia.”
Kuwento ni Cacdac, ang mga Pilipinong nabiktima ay pinaniwalang magtatrabaho sa isang call center.
“Eto yung mga tinatawag na grupo na sindikato na nag-lure sa kanila na magtrabaho doon, and merong mga Filipino elements kasi unfortunately, they’re being lured and given mga nakakaduda na mga means of communication.
“At pagdating doon, (may) mga elemento na susundo sa kanila sa airport at dadalhin sila sa probinsya. Tapos pagdating nga doon, yung kanilang cryptocurrency activities usually mga taga-US yung mga binibiktima nila, pinagtatrabaho sila ng hanggang 16 na oras, walang tulog, 7 days a week,” sabi niya.
“At meron pang mga kuwento na sinasaktan eh. Physically eh, mga kinukuryente.”
Payo ni Cacdac sa mga Pilipino, huwag patulan ang mga alok na trabahong hindi dadaan sa DMW o Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sabi ni Cacdac, handa silang magbigay ng tulong pinansiyal at legal para sa mga distressed OFWs pagkawui nila sa Pilipinas.
The post 9 OFWs ginawang ‘crypto scammer’ sa Cambodia, nasagip appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: