Ni ROMMEL PLACENTE
ISANG netizen na gumamit ng Twitter account na @ALOveyoutoo ang binigyang malisya/kulay ang kabutihang ipinakita at ipinadama ni Bea Alonzo, at ng kanyang pamilya sa mga kababayan nating Aeta na naninirahan sa tabi ng Bea Firma farm ng aktres sa Zambales.
Ang mga Aeta ang mga kapitbahay na inimbitahan, pinatuloy, ipinagluto at pinakain ni Bea at ng kanyang pamilya sa Bea Firma.
Ayon sa netizen na nagpadala ng mabigat na paratang kay Bea at sa pamilya nito, inagaw o kinamkam nila ang lupa na pag-aari ng mga katutubo.
“That’s nice, now how about giving their land back,” komento ng netizen.
Dahil dito, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira ng netizen.
Nakasaad dito: “It is unfortunate that a certain ‘aloveyoutoo’ made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give ‘their – (referring to Aetas) land back.’
“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.
“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.
“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”
Handa ang legal counsel ni Bea na magsampa ng kaukulang reklamo laban sa netizen kapag hindi nito binawi ang paninira at kasinungalingang ikinalat niya sa social media.
Ang ibang netizen kasi, walang magawa sa buhay kundi mag-comment ng kahit hindi naman totoo. Ayan, dahil sa malisyosong comment ni @aloveyoutoo, baka mademanda siya kung hindi niya babawin ang comment niya.
Nagmagandang-loob na nga si Bea sa mga Aetas, tapos siniraan pa siya.
***
CARLO AQUINO INTERNATIONAL ACTOR NA
BONGGA si Carlo Aquio dahil sasabak siya sa kanyang kauna-unahang international project, huh! So, isa na siyang international actor.
Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Star Magic Head na si Laurenti Dyogi sa isang Instagram post.
Proud na ibinahagi ni Lauren na ongoing na ang taping ni Carlo sa Tokyo, Japan at kasama ang ilang sikat na Japanese artists.
Sey ni Lauren sa IG, “As Star Magic ventures into international collaboration for our artists, Carlo starts filming his latest project in Tokyo co-starring with Japanese Hollywood actor Takehiro Hira (Snake Eyes) and Sho Ikushima.”
“Also playing an important role is another Star Magic Artist and half Japanese Kei Kurosawa.
“This film is being directed by Donie Ordiales who studied Film in Japan and is currently based in Tokyo as well.”
Proud na sinabi ni Lauren sa social media na maganda ang collaboration nina Carlo at ng nabanggit niyang veteran international actors.
“Iba energy nila together. What a privilege to witness this cinematic magic unfold,” caption ni Lauren sa isang IG post.
Congratulations Carlo!
Nagkatotoo na naman ang kasabihang kapag may nawala sa ‘yo ay may darating namang kapalit.
Matatandaan na kasama sana si Carlo sa Netflix hit series na Squid Game, pero hindi siya natuloy doon dahil hindi siya makakabiyahe noong kasagsagan ng pandemic.
The post Bea inakusahan na kinamkam ang lupain ng mga Aeta, magdedemanda appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: