ISANG kasisilang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa Guinayangan, Quezon.
Agad naman na-rescue ng mga tauhan ng Guinayangan Municipal Police station ang sanggol.
Ayon sa report ng Guinayangan Police, 3:20 Lunes ng hapon nang madiskubre ng isang residente ang sanggol na nakalagay sa isang sako sa bisinidad ng public cemetery.
Agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord (pusod) nito.
Ayon sa mga awtoridad, tinatayang isang araw o ilang oras pa lamang naisilang ito nang makita.
Agad itong dinala sa Guinayangan Community Medicare para masuri ang kalagayan.
Nakipag-ugnayan narin ang pulisya sa tanggapan ng lokal na DSWD para sa pangangalaga sa sanggol.
Patuloy pang iniimbestigasyon ng pulisya at tinitingnan ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at kung sino ang mga magulang nito.
The post Baby inabandona sa sementeryo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: