Dahil sa naging masamang epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa, binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapalakas sa mga manggagawa sa Pilipinas sa pagsasabing ito ay nangangailangan ng koordinadong pagsisikap mula sa gobyerno, pribadong sektor at ordinaryong Pilipino.
“By providing support to those who have lost their jobs, investing in education and training, and fostering a culture of entrepreneurship and innovation, we can help ensure that the workforce is prepared for the challenges and opportunities of the post-pandemic world,” ayon kay Go.
Sa mass graduation ng Philippine Academy of Technical Studies, Inc. sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Daet, Camarines Norte noong Disyembre 5, pinuri ni Go ang mga nasabing inisyatiba na pagbibigay sa mas maraming Pilipino ng tsansang magkaroon ng kasanayan upang maiangat ang kanilang buhay at maging malaking ambag sa ekonomiya.
“TESDA has played a crucial role in empowering our workforce and helping your graduates achieve their educational and career goals, especially amid the pandemic,” ani Go.
Sa nasabing event, namahagi ang grupo ni Go ng tulong at iba pang anyo ng suporta sa 1,000 dumalo.
Sinabi ni Go na ang epekto ng pandemya sa mga manggagawa sa bansa ay napakalalim dahil sa ma ilang manggagawang Pilipino ang nawalan ng trabaho o napilitang mag-adjust sa mga bagong paraan ng paghahanap-buhay para sa kanilang pamilya.
“Mahirap pong mapagtanto ang magiging long-term effects ng pandemya sa ating mga manggagawa, ngunit malinaw na ito ay may malaking epekto sa kanila at mga negosyo,” ipinunto niya.
Habang ang bansa ay nasa tamang landas patungo sa pagbangon, sinabi ni Go na isa sa mga pangunahing hamon na dapat harapin ng gobyerno ay ang muling pagpapalakas sa mga manggagawa sa bansa sa gitna ng umiiral at umuusbong na mga banta.
“The global economy will likely take some time to recover from the crisis, and many workers will face challenges as they try to find new jobs or rebuild their careers,” anang senador.
Upang makamit ito, binigyang-diin ni Go na kailangan ng kumbinasyon ng mga hakbang upang suportahan ang mga nawalan ng trabaho, gayundin ng pangmatagalang estratehiya upang ihanda ang mga manggagawa para sa nagbabagong pangangailangan ng ekonomiya.
Sinabi ni Go na mahalagang magtulungan ang gobyerno at pribadong sektor upang matukoy ang mga pangunahing industriya at sektor na posibleng maging in-demand habang bumabalik ang ekonomiya.
Ipinunto ng senador na kapwa ang publiko at pribadong sektor ay kailangang mamuhunan sa mga programa sa pagsasanay at edukasyon na makatutulong sa mga manggagawa upang maiambag at magtagumpay sa kanilang mga larangan.
Nanawagan ang senadora sa publiko at pribadong sektor na ipagpatuloy ang kanilang partnership upang maisulong ang magandang environment ng entrepreneurship sa bansa.
The post PAPEL NG TESDA SA PAGBANGON NG EKONOMIYA, PINURI NI SEN. GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: