Facebook

BAN SA E-SABONG DAPAT LANG

KUNG ang industriya ng sugal ang “pinaka”, sa mataas na pasahod, ang pag-uusapan, tama rin naman si Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) sa pagbabawal ng “e-sabong.”

Kahit ito ay kasama sa pinaka-mataas magbigay ng kita at pasahod, marami pa rin tayong mga kababayan ang nasadlak lalo sa kahirapan, dahil sa e-sabong.

Ang Executive Order No.9 ni PBBM noong December 28, 2022 ang magiging gabay ng ating mga otoridad para habulin ang mga operator nito.

Pinagdiinan ng Pangulo na dapat lamang ituloy ang pagsususpinde sa operasyon ng e-sabong dahil di ito naaayon sa batas, kaya ipinagpatuloy lamang niya ang naging kautusan rin ng kanyang pinalitan na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala talaga tayong mapapala sa pagsusugal at pagtaya sa e-sabong, kahit malaki pa ang maitutulong nito sa pamahalaan. Nadadamay maging mahal natin sa buhay, kapag tayo’y natalo. Ika nga wala ritong mananalo kung di ang mga operator lamang.

Sa kabilang banda, kahit na ang gambling industry ang sinasabing ‘top-paying employer’ sa bansa sa hanay ng arts, entertainment at recreation (AER) sector, di pa rin kasama ang bawal na e-sabong rito.

Ang mga kawani, halimbawa ng gambling industry, kabilang ang mga casinos, sports betting establishments at lotteries, ay kumikita ng P465,000 kada taon bilang kanilang sahod bukod sa iba pang benepisyo, sabi Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa e-sabong, walang nakaka-alam kung ang mga empleyado nito ay tumatanggap ng tamang pasahod.

Bukod dito, di rin tayo sigurado kung parehas ang pagpapatakbo ng e-sabong. Di ba nga, may hinahanap pa rin na mga sabungero dahil sa e-sabong. Ano man ang dahilan ng kanilang pagkakawala, tanging mga operator lamang at kanilang mga kasapakat ang naka-aalam.

Ako at tayo, ang alam natin, dapat lang i-ban ni PBBM ang e-sabong.

The post BAN SA E-SABONG DAPAT LANG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAN SA E-SABONG DAPAT LANG BAN SA E-SABONG DAPAT LANG Reviewed by misfitgympal on Enero 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.