Ni BLESSIE K. CIRERA
HINDI napigilan ng maganda at mahusay na batang aktres na si Barbara Miguel na mapaiyak sa media launch ng Marikit Artist Management noong Jan. 24 na bagong namamahala sa kanyang career.
Ang Marikit Artist Management ay pag-aari ng CEO na si Joseph Aleta.
Kasama rin ni Aleta sa Marikit Artist Management sina talent manager Melai Camagan at branding director Yannie Tui.
Ang iba pang mga alaga nito ngayon bukod kay Barbara ay sina Angelika Santiago, Kyle Ocampo, Jeremy Luis, Charles Angeles at ang Masculados.
Emosyunal na naikuwento ni Barbara ang pinagdaaanan niya at ng kanyang pamilya noong taong 2020 na nagresulta sa pag-alis niya sa Kapuso Network kung saan siya nakakontrata.
Tsika ng aktres, nagkaroon umano sila ng family problem kaya pina-terminate na lang daw niya sa GMA Artist Center (na Sparkle na ngayon) ang kanyang kontrata.
Year 2022 pa umano dapat matatapos ang 10-taon na kontrata ni Barbara na nagsimula nung siya ay 8-anyos pa lang.
Madamdaming pahayag pa ng dalaga na family issue ang rason ng pag-alis niya ng showbiz at pagbalik sa kanilang tirahan sa Davao.
Gayundin, nilinaw ni Barbara na maayos ang pagpapaalam niya sa GMA at naunawaan nito ang kanyang desisyon.
Ngayon ay nagbabalik si Barbara sa pamamagitan ng bagong management na Marikit at susubukan ulit ang kanyang suwerte sa propesyong minahal, ang pag-arte.
Ilan sa mga proyektong nilabasan ni Barbara ay ang Munting Herdera at Biritera na lumabas ang angking husay niya sa akting.
Katunayan ay naging Best Actress pa siya sa Harlem International Film Festival para sa pelikulang Nuwebe noong 2013.
Inaasahan na ang muling pag-circulate ni Barbara at iba pang alaga ng Marikit dahil plano nito na magprodyus ng mga show, TV commercials at iba pa.
Ang layunin ng Marikit ay maglunsad ng mga bagong mukha at muling ipakilala ang mga seasoned talents na nangangailangan ng break.
The post Barbara Miguel balik-showbiz sa Marikit Artist Management; Mga bagong alaga, pinakilala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: