HANDA ang singer-actor na si JK Labajo sa mga pamba-bash sakaling dumating ito sa kanya sa pagganap bilang Ninoy Aquino sa pagsasapelikula ng Ako Si Ninoy mula sa panulat at direksyon ni Vince Tanada sa ilalim ng Philstagers Films.
Ang Ako Si Ninoy ay halaw sa stage musical na may kaparehong titulo noong 2009.
Tsika ni JK sa idinaos na media conference, alam daw niya na may mga hindi sang-ayon sa pagganap niya bilang Ninoy at maging siya man daw noong una ay kinabahan at nagduda kung kakayanin niyang gumanap sa isang totoong at sikat na karakter gaya ni Ninoy Aquino.
“Actually when I was offered the role, I was really happy and scared at the same time. I feel as an actor, the hardest part is play a real-life character as authentic as possible.
“Hopefully, I was able to play it well. I was able to honor Sir Ninoy. I feel honored and scared at the same time,” pahayag ni JK.
Dahil hindi pa raw siya buhay nang mamatay si Ninoy noong 1983, nagsagawa na lang daw ang singer-actor ng sariling research tungkol dto.
Nag-interbyu rin daw siya ng mga taong kilala ang national hero.
At bilang isang kabataan, natanong si JK kung paano hihikayatin ang mga gaya niyang millennial na panoorin ang kanyang pelikula.
“I guess it’s for them to decide. No matter what you do, people will make their own decision. No matter what you sell them, it’s up to them to buy it or not.
“You know we did something. We’re proud of it and we hope you watch and like it,” dagdag pa ng binata.
Maliban kay JK, kasama rin sa Ako Si Ninoy sina JD Domagoso, Cassy Legaspi, Marlo Mortel, Johnrey Rivas, Sarah Holmes, Nicole Laurel, Sarah Javier, Lovely Rivero, Adelle Ibarrientos, JM Yosures, at Bodjie Pascua. Marami pang artistang nagbigay ng suporta sa pelikula kaya tiyak maiibigan ito ng moviegoers.
Ipalalabas ang Ako Si Ninoy unang bahagi ngayong taon kaya abangan ito sa mga paborito n’yong sinehan. (BLESSIE K. CIRERA)
The post JK Labajo game ma-bash sa pagganap bilang Ninoy Aquino appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: