BUNSO kung ituring si barangay kagawad. Ipinamana sa kanya ng namayapa niyang ama na kilala sa taguring “Kapitan Barako” ang pagpapatakbo ng mga iligal na negosyong Small Town Lottery (STL) bookies sa Batangas City at sa bayan ng Lobo. Kilala itong “Bookies/Drug King” at patuloy na nagkakamal ng milyones na salapi kahit nasa “tungki lamang ng ilong” ng mga kapulisan at iba pang opisyales ng pamahalaan ang kanyang mga labag sa batas na negosyo sa naturang siyudad at munisipalidad ng Lobo, sa lalawigan ng Batangas.
Bagama’t umaabot lamang sa Php 80,000 ang kubransa kada bola ng STL bookies ni Konsehal Bunso aka Utoy sa may 30 barangay sa Batangas City kabilang na ang kuta nito sa Brgy. Dela Paz at may Php 40,000 naman ang nakokolektang taya sa kanyang bookies operation sa halos lahat na lokalidad ng bayan ng Lobo, ay limpak-limpak naman ang kinikita nito sa kalakalan ng droga.
Kung susumahin ay may Php 360,000 lamang ang kubransa kada araw ni Konsehal Bunso na kilala rin sa kanyang alyas na Konsehal Utoy sa iligal na pasugal sa Batangas City at Lobo, ngunit siya ay isa nang “silent millionaire”, dumi lamang sa kuko ang natatabo nito sa kanyang iligal na pagpapasugal, pagkat ang totoong pinagkikitaan nito ng limpak-limpak na salapi ay ang pagpapabenta ng droga, partikular ay shabu.
Katunayan, may 15 ibat- ibang uri ng behikulo, bukod pa sa di mabilang na dami ng kanilang mga motorsiklong gamit sa pagdidiliber ng droga at pagpapakolekta ng kanilang STL bookies o jueteng bets sa mga barangay ng Libjo, Cumba, Simlong, Tabangao, Dau, Pinamukan, Mabacong, Pagkilatan, Dela Paz, Talahib Proper, Talahib Pandayan, San Pedro, Malalim, San Isidro, Conde at iba pang barangay.
Ang kubransa sa bookies at bentahan sa droga ay kinokolekta ng kanyang mga katiwala sa mga nasabing barangay o dili naman ay ipinadadala ng kanyang mga mga mayor o kabo at kakutsabang street pusher sa kanilang kahero sa pamamagitan ng Gcash sa kanilang rebisahan ng taya sa bookies sa liblib na Brgy. DeLa Paz sa nasabi ring siyudad.
Napakalaki ng nawawalang koleksyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)-sponsored Small Town Lottery (STL) sa Batangas City at Lobo dahil sa mga pa-bokies ni Konsehal Bunso aka Utoy, kaya’t sa halip na magkaroon ng tamang share mula sa PCSO, ay katiting lamang na halaga ang nauuwi ng LGUs ng Batangas City at Lobo dahil wala pang 50 percent ng kabuuan at tunay na taya sa ligal na STL ang nareremit sa PCSO pagkat napupunta ang malaking bahagi nito sa iligal na bookies o jueteng operation ni alyas Konsehal Bunso aka Utoy.
Ngunit ang matindi nito, ay nagkalat na hanggang sa mga liblib na lugar ang mga nalulong at adik sa shabu, dahil sa dami ng mga kabo at kubrador ng STL bookies na naengganyo na ding magbenta ng droga sa udyok ng ganid sa salaping si Konsehal Bunso aka Utoy at ng kanyang mga armadong goon.
Ang table manager ni alyas Konsehal Bunso aka Utoy ang tagapamudmod ng droga sa kanilang mga kabo at kubrador para ipabenta sa ibat ibang lugar sa naturang siyudad at bayan at maging sa buong lalawigan ng Batangas.
Kapuna-puna ang mataas na crime rate sa lalawigang nasa hurisdiksyon ni Batangas PNP Provincial Director Col. Pedro Soliba at ito ay resulta ng malaganap na pagpupuslit at pagtutulak ng shabu ng grupo ni alyas Konsehal Bunso aka Utoy buhat sa Kamaynilaan patungo sa Batangas City at munisipalidad ng Lobo.
Mantakin na ganito na pala kalawak ng operasyon ng kalakalan ng droga at STL bookies operation ni Konsehal Bunso aka Utoy ngunit nagtataka naman ang mga KASIKRETA kung bakit nakakalusot ang modus na ito ni Konsehal Bunso aka Utoy sa pang-amoy ni Batangas City Police Chief LtCol. Dwight Fonte at Lobo Municipal Police Chief, Major Serafin Gapunan? Nakakalusot nga ba talaga o sadyang pinalulusot?
Kaya sa madaling panahon ay kailangang atasan ni PNP Region 4A Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. si Col. Soliba na lansagin ang drug at gambling operation ni Konsehal Bunso aka Utoy, kung di sila kikilos ay tiyak na babagsak sila sa evaluation ng five man probe team na binuo ni DILG Secretary Benhur Abalos. Di na sila maibabalik sa kanilang puwesto matapos na magsumite ng kani-kanilang courtesy resignation kamakailan bilang CALABARZON RD at Batangas PNP PD?
Dahil wala silang aksyon laban kay alias Konsehal Bunso aka Utoy ay malamang na malagay nga sa “balag ng alanganin” ang posisyon nina RD Nartatez Jr. at PD Soliba? Nagtatanong tuloy ang mga residente ng Batangas City at Lobo kung ang mga pangalan kaya nina RD Nartatez Jr., Col. Soliba, LtCol. Fonte at Major Gapunan ay kasali sa ipinangongolekta kay Konsehal Bunso aka Utoy ng lingguhang intelhencia ng “kapustahang” (tong kolektor) si alias Sgt. De Guzman aka Digoy at Allan?
Pinaaalalahanan din na ang “kapustahan” (tong kolektor) na sina alias Sgt. Adlawan at Tata Boy ay nangingikil din para sa mga pangalan naman ng ilang top CIDG official sa rehiyon, kaya dapat maging mapagmatyag si CIDG Provincial Officer P/Major Jet Sayno, baka isa ang pangalan nito sa ipinangangalakal ng sarhento kuno sa ilegalistang si Konsehal Bunso alyas Utoy?
Liban sa Batangas City, lalong malaganap ang drug at gambling operation sa Tanauan City nina Ocampo-Bagbag; Ablao at Melchor-Brgy. Darasa; Dimapilis-Pantay na Matanda at Pantay na Bata; Gerry-Balele; Jr. Biscocho, Kap Bikustso aka Kap Ambo at Lito- Poblacion, Brgy 7 at Putuhan; Kon. Burgos- Pantay na Matanda at Pantay na Bata; Ms Bagsic, Kap Mario-Pantay na Matanda, Pantay na Bata at Trapiche; Ms Cristy-Suplang; Kon. Perez at Angie-Poblacion/ Putuhan; Emil, Ramil, Angke, Lawin, Berania at Tano ng Brgy. Trapiche; Cancio, Dama at Dexter ng Ulango; Ms Lilian- Sambat; Ms Annabel- Pantay na Matanda at Ms Donna-Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.
Bigong-bigo si Tanauan City Police Chief, LtCol. Karlos Lanuza Jr.na sugpuin ang operasyon ng mga naturang drug/gambling operator, kaya ang tampulan ng paninisi at negatibong puna ay sina RD Nartatez Jr. at Col. Soliba. Abangan kung aaksyon kaya sina Col. Soliba, Lt.Col Fonte, Lt. Col. Lanuza Jr., Major Gapunan at Major Sayno? Nakakahiya din si Tanauan City Mayor, Sonny Collantes?
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.
The post BATANGAS CITY “DRUG/BOOKIES KING”, KONSEHAL BUNSO, NAMAMAYAGPAG! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: