Sa mga idinaos na Senate inquries patungkol sa talamak na smuggling at hording ng mga agricultural products partikular na ng sibuyas,parating nababanggit ang pangalan nitong si Michael Ma,isang Tsinoy trader na allegedly ay business partner ng isa pa ring pamosong negosyante na nagngangalang Martin Araneta.
Sa pagkakabanggit sa apelyidong Araneta, tila batingaw itong tumulig sa tenga ng ating mga senador.
Marami ang napataas ang kilay kabilang na dito ang outspoken presidential Ate na si Senadora Imee Marcos.
Ito ay sa kasagsagan ng biglang pagtaas sa presyo ng sibuyas sa merkado at timing naman sa panahon ng Kapaskuhan kung saan ang sibuyas ay isa sa mga pangunahing panahog at sangkap sa bawat lutuing Pinoy.
Bakit kanyo masyadong kontrobersiyal ang tandem na ito ng dalawang negosyanteng sina Michael Ma at Martin Araneta?
Paano nga bang hindi magiging kontrobersiyal ang dalawa kung ang mga ito ang mismong mga pangunahing bida sa tele- drama nang nakakaiyak na sibuyas na umabot hanggang sa 600 pesos ang kada kilo sa mga palengke?
Nangyari ito makaraan ang tila artipisyal o sinadyang pagkawala ng supply nito sa mga merkado.
Ang itinuturong may kagagawan ay itong si Ma at ang kanyang business partner na si Araneta.
Sino nga rin ba si Martin Araneta bukod sa pagiging pamilyar ng kanyang apelyido?
Sa mga di pa nakakabatid,si Martin po ang nakababatang kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos at bayaw ni PBBM.
Boom!
Sakalam!
Sa mismong bibig ni Manang Imee Marcos sa kanyang mga interviews sa media, malutong na tinuruan nito na masyadong mabait ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos dahil di nito pinahuhuli sa mga awtoridad ang puno’ t dulo ng problema sa isyu ng nawawalang mga sibuyas sa merkado bagamat alam na alam at kilalang kilala na ito ng presidente.
Hording ang tawag sa artipisyal na pagkawala ng isang essential product sa merkado na almost tantamount sa kasong “economic sabotage” dahil buong ekonomiya ng bansa at ng sambayanang Pilipino ang apektado.
Pero bakit tumagal pa ang problema at isyu sa sibuyas?
Umabot ng halos mahigit isang buwan sa kabila ng pag- iiyakan ng mga mamamayan at ng mga dukhang nagtatanim ng sibuyas.
Mga magsasakang sumusumpa na sadyang walang krisis sa supply ng sibuyas.
Na sapat ang kanilang ani at ang mga sibuyas nilang produce ay naibenta na nila sa mga tinaguriang middleman sa murang halaga.
In short, itinago ( hording) ito ng malalaking negosyante para palabasing may krisis sa supply ng sibuyas at kinakailangan ng bansa na màg-import.
Sa senaryong ito,iningunguso ng mga mga legit sibuyas planters sa tandem at grupo ni Ma at Araneta ang mga kabulastugang nangyari.
What the fuck!
Kaya naman pala walang magawang solusyon si PBBM sa isyu ng sibuyas, bulalas ng mga dismayadong senador.
Tanging si Manang Imee Marcos lamang ang may
” balls” na talakayin at ibulgar ang katotohanan.
Nanganak pa at mas lalong naging kontrobersiyal ang isyu sa sibuyas nang umano’y magsumite ng report sa Pangulong BBM si former National Security Adviser Clarita Carlos base sa nakalap na intel info ng kanyang opisina laban sa mga taong nasa likod ng hording ng mga sibuyas.
From this,we can more or less speculate kung ano ang naging laman ng nasabing report ni Carlos sa presidente.
After a few days,nagresign na si Carlos sa kanyang posisyon bilang National Security Adviser.
Well kung may denial pa rin ang ilang kampo sa katotohanan ng ating tinatalakay,itanong na lamang po natin sa mga kasundaluhang nakakaalam ng nga tunay na kaganapan nitong mga nagdaang araw.
Ang paglalabasan ng mga larawan ni Michael Ma at Martin Araneta kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa social media ay isang malinaw na indikasyong galit na ang taongbayang sa katarantaduhang nakakapangyari.
Isa pang larawan ni Michael Ma kasama naman si First Lady Liza Araneta Marcos ang lumabas din.
Isa ito sa mga out of the country official trips ni PBBM.
Malinaw na kasama sa official entourage ng Pangulong Bongbong at FL Liza si Ma dahil makikita pa sa larawan na nakasabit pa kay Ma ang ID na gamit ng mga delagadong kasama sa nasabing junket trip ng Presidente.
Kung ano nga ba ang kahulugan nito ay malaon nang isinatinig ng matapang na senadorang si Manang Imee Marcos!
Isang talamak nga bang panggagago ito sa sambayanang Pilipino?
May kasunod ..
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post SINO NGA BA SI MICHAEL MA AT MARTIN ARANETA? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: