Facebook

PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG STO. NIÑO NAGING ‘MAKULAY’ SA PASAY

NAGING makulay ang pagdiriwang ng Sto Niño na nilahukan ng humigit-kumulang 10,000 devotees kung saan ay ipinarada sa ilang pangunahing kalsada ang ibat-ibang imahen ng ‘Infant Jesus’ kasabay ang masasayang tugtugan na lalong nagpasigla sa mga mamamayan ng lungsod Pasay.

Ang kauna-unahang Feast of Sto Niño sa Pasay City sa pamamagitan ng inisyatiba ni Mayor Emi Calixto-Rubiano bilang Hermana Mayor sa tulong ng kapatid na si Cong. Antonio ‘Tony’ Calixto bilang Hermano Mayor ay nagsimula noong January 19,2023 kung saan ay nagkaroon ng exhibit at umabot sa 350 imahen ng Sto Niño ang dinagsa ng mga devotees sa Cuneta Astrodome.

Kasunod nito, umabot naman sa 90 ibat-ibang images ng Santisimo Nombre del Niño Jesus ang pinarada noong January 29 na nagsimula alas-3 ng hapon sa Liwasang Ipil-Ipil Open Field, harap ng Pasay City Hall at naglakad ang mga devotees sa kahabaan ng F.B Harisson patungong Roxas blvd hanggang kumanan sa Buendia avenue at F.B Harisson pabalik sa open field.

“ We ask our dear Pasayenyos to please join this momentous day; We the people of Pasay City welcomes all the devotees of Our Lord Jesus Christ in honoring his Holy Childhood and His Most Holy Name. Hope,faith and love is the message of the Holy Child.” Ayon sa Ina ng Lungsod

Nauna rito ay dinala ang imahen ng Batang Hesus sa Bulwagang Pampamahalaan ng Pasay noong Lunes at iprinusisyon patungong Astrodo kung saan nagsimula ang Banal na Misa at nobena na pinangunahan ng Obispo ng Bangued Abra, Lubhang Kgg. Leopoldo Jaucian, DD.

“Pasay City will always be a home to our beloved Sto. Niño and its feast. We at the Pasay LGU will always be of support to such causes and activities, as they are reflections of our faith and our hearts,” dagdag pa ni Mayor Rubiano

Ang Congregacion Santisimo Nombre del Nino Jesus ay dati nang pinangangasiwaan ng ilang pribadong Catholic group at labis na ikinagalak ng Ina ng Lungsod na sa susunod na taon ay magiging tradisyunal na umano ang pagdiriwang nito sa lungsod ng Pasay. (JOJO SADIWA/Photos by: CESAR MORALES)

The post PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG STO. NIÑO NAGING ‘MAKULAY’ SA PASAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG STO. NIÑO NAGING ‘MAKULAY’ SA PASAY PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG STO. NIÑO NAGING ‘MAKULAY’ SA PASAY Reviewed by misfitgympal on Enero 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.