Facebook

Parañaque pulis kung umaksyon mabilis

MATAPOS nating ibunyag sa ating pitak ang nagaganap na kalaswaan ng ilang bahay aliwan sa kahabaan ng Airport Road, Parañaque City ay agad na nagkasa ng operasyon ang Parañaque PNP intelligence division na pinamumunuan ni PMaj Tirso T. Pascual alinsunod na rin sa direktiba ni PCol Renato Batoon Ocampo, Chief of Police ng lungsod laban sa mga Disco KTV Bar na nagpapalabas ng mga malalaswang panoorin kung saan maraming babae ang naaktuhang nagsasayaw ng walang saplot ang katawan.

Dahil sa ipinamalas na hakbang nina Col. Ocampo at Major Pascual laban sa operator ng mga bahay aliwan sa kanilang hurisdiksyon ay maraming taga-Parañaque ang natuwa sa kanila kabilang na ang inyong lingkod.

Patunay ito na sensitibo sina Major Pascual at Col Ocampo sa mga mali at iligal na gawain pagkat hindi ito naaayon sa itinatadhana ng batas-bagay na dapat ginagawa ng iba pang opisyal ng kapulisan na tulad nila.

Samantala naaresto na sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque City Police Station (CPS) ang isang rape suspect na tinaguriang No. 4 wanted person sa lungsod.

Kinilala ni Col. Ocampo ang inarestong suspect na si Louie Gee Cimafranca, 30.

Sinabi ni Col. Ocampo na nadakip ang suspect sa isinagawang manhunt operation ng mga miyembro ng WSS dakong alas 5:10 ng hapon sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Ayon kay Col. Ocampo, ang pagkakaaresto kay Cimafranca ay bunsod sa inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Judge Moises Domingo De Castro ng Branch 10 na isang family court.

Inilabas ni De Castro ang warrant of arrest laban kay Cimafranca noong Oktubre 27 na walang rekomendasyon ng piyansa dahil sa kasong rape.

Si Cimafranca ay kasalukuyang nakapiit sa Parañaque City police custodial facility.
Yan ang Parañaque pulis kung umaksyon mabilis, Kudos mga Sir at Mabuhay kayo!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Parañaque pulis kung umaksyon mabilis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Parañaque pulis kung umaksyon mabilis Parañaque pulis kung umaksyon mabilis Reviewed by misfitgympal on Enero 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.