Facebook

Bilang ng pamilyang Pinoy na mahirap lumobo – SWS

DUMAMI pa ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsabing sila ay mahirap sa huling bahagi ng 2022.

Batay sa resulta ng Social Weater Station (SWS) survey, 51 porsiyento o 12.9 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap.

Sa 3rd quarter survey, Hulyo hanggang Setyembre, ang bilang ay 12.6 milyon.

May 31 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay nasa ‘borderline’ ng pagiging mahirap, samantalang 19 porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap.

Sa 12.9 milyong pamilya, walong porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap isa hanggang apat na taon bago ang 2022 at 5.8 porsiyento naman lima o higit pang taon bago ang nagdaang taon.

“In the last four quarters, the national median Self-Rated Poverty Threshold (minimum monthly budget) stayed at P15,000, while the national median Self-Rated Poverty Gap fell from P6,000 in October 2022 to P5,000 in December 2022,” ayon sa SWS.

Isinagawa ang survey Disyembre 10 hanggang 14 at may 1,200 adult respondents.

The post Bilang ng pamilyang Pinoy na mahirap lumobo – SWS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bilang ng pamilyang Pinoy na mahirap lumobo – SWS Bilang ng pamilyang Pinoy na mahirap lumobo – SWS Reviewed by misfitgympal on Enero 13, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.