SWAK sa kulungan ang isang lolo na nagpanggap na mamamahayag para mangotong sa peryahan sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang nadakip na si Segundino Apostol Jr., 62 anyos, residente ng Poblacion East, San Nicolas.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office director, Colonel Jeff Fanged, nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang Raymund Angustia para pormal na magsampa ng reklamo laban kay Apostol, Jr.
Sa reklamo ni Angustia, nagpakilalang reporter si Apostol sa isang pahayagan at hinihingan siya nito bilang “proteksyon” ng kanyang peryahan.
Agad naglatag na operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Calasiao Police station at ng 2nd Provincial Mobile Force Company laban kay Apostol Jr.
Nahuli sa akto si Apostol na tumatanggap ng marked money na P2,000.00.
Nahaharap ngayon sa kasong robbery-extortion si Apostol Jr.
The post Pekeng media kulong sa kotong sa peryahan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: