Facebook

Chinoys, pinuri ni Mayor Honey sa suporta sa Manila LGU

PINURI ni Mayor Honey Lacuna ang Chinese-Filipino community sa Maynila dahil sa patuloy na suporta nito sa pamahalaan lungsod lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Kasabay nito ay inanyayahan ng alkalde ang lahat ng mga Chinoy na makiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year o Year of the Water Rabbit dahil maraming nakalinyang gawain para sa nasabing taunang selebrasyon.

Tiniyak din ng lady mayor na ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangang tulong ng mga Chinoy maging ito man ay dito na nakatira sa bansa, nagnenegosyo sa Maynila o turista.

Samantala, sinabi ni Lacuna na ang mga gawaing nakalatag ay kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year at ito ay sa pakikipagtulungan at koordinasyon sa pagitan ng Chinese-Filipino community at ng city government ng Maynila.

Mula January 19 hanggang 22, magkakaroon ng Chinatown Food Festival sa
Plaza Lorenzo Ruiz mula 10 a.m. hanggang 10 p.m.

Sa January 21, sa ganap na 11 p.m., ay gaganapin ang Chinese New Year Countdown at Grand Fireworks Display sa Filipino-Chinese Friendship Bridge sa Intramuros.

Sa January 22, na mismong Chinese New Year ay gaganapin ang Dragon Boat Competition na magsisimula sa Birch Tree Plaza ganap na alas-8 ng umaga.

Sa ganap na alas-2 ng hapon ay gaganapin naman ang ‘Solidarity Parade’ na magsisimula sa Post Office.

Magtatapos ang isang buong araw na gawain sa pamamagitan ng Huaxing Arts Group Chinese Cultural Show sa Plaza Lorenzo Ruiz ganap na alas- 6 ng gabi. (ANDI GARCIA)

The post Chinoys, pinuri ni Mayor Honey sa suporta sa Manila LGU appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Chinoys, pinuri ni Mayor Honey sa suporta sa Manila LGU Chinoys, pinuri ni Mayor Honey sa suporta sa Manila LGU Reviewed by misfitgympal on Enero 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.