Sinimulan nang ipatupad ng Social Security System (SSS) nitong Huwebes ang mga probisyon ng Republic Act of RA 11199 o ang Social Security Act of 2018, na nag-utos ng pagtaas ng kontribusyon upang matiyak ang kakayahang pinansyal ng pondo ng pensiyon ng estado para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa advisory ng SSS, tataas ng isang porsyento ang kasalukuyang buwanang contribution base sa isinasaad ng Social Security Act of 2018.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, makikinabang naman sa bagong contribution hike ang mahigit sa 13 million na mga myembro.
Sa ilalim ng batas, hanggang 2025 pa ang pagkakaroon ng dagdag kontribusyon upang maabot nito ang 15% hanggang sa 2025.
Dahil dito, nasa 9.5% na ang total contribution ng employer habang nasa 4.5% lamang ang manggagaling sa mga manggagawa.
Hindi naman apektado ng mga manggagawa na sumusweldo ng lagpas sa P25, 000 kada buwan sa dagdag kontribusyon.
Nilinaw din ng SSS, tanging ang mga employer lamang ang babalikat sa dagdag na ito at hindi maaaring ibawas sa sweldo ng kanilang mga empleyado.
Una ng hiningi ng employer groups tulad ng the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at Philippine Exporters Confederation Inc. (PECI), na ipagpaliban ang implementasyon ng dagdag kontribusyon ngunit hindi ito pinagbigyan ng SSS officials.
Nagpahayag naman ng suporta dito si Finance Secretary at SSC Chairperson Benjamin E. Diokno sa bagong contirbution rate at sinabing..“it is the right thing to do for the institution and its members.” (Almar Danguilan)
The post Dagdag singil sa kontribusyon sa SSS, epektibo na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: