Facebook

TATAGAL BA ANG ALYANSANG BBM-DUTERTE?

PAKSA ito noong Miyerkules ng gabi sa programang “Facts First”ni Christian Esguerra, isang mamamahayag na kilala sa integridad at katatagan ng paninindigan. Katalakayan niya ang panauhin na si Ronald Llamas, ang dating political adviser ni PNoy. Isa si Llamas sa mga aktibong kasapi ng Akbayan Party List, ang grupo ng mga aktibista na pinangungunahan ni Senador Risa Hontiveros at gay activist Jessie Dimaisip.

“Hanggang saan ang samahan ni BBM at Duterte?” Tatagal ba ito hanggang sa katapusan ng termino ni BBM sa 2028? Ito ang may kalalimang tanong noong gabi ng talakayan. Nilinaw ni Llamas na hindi si Sara ang pinatatamaan sa tanong kundi ang ama na si Rodrigo, ang dating pangulo. Nilinaw ni Llamas na walang bilib o paghanga kahit katiting si Rodrigo kay BBM at hanggang maaari ayaw nilang lumapit kay BBM. Minsan niyang pinatamaan si BBM sa isang pahayag at tinawag ni Rodrigo si BBM na “sinungaling,” “adik,” at “tamad.”

Nilinaw ni Llamas na kinakatawan ni Rodrigo ang kalahati ss tinawag na “Duterte Brand.” Ang kalahati ay si Sara. Ngayon, nananatiling tapat si Sara kay BBM, aniya. Mukhang tatagal ang alyansa (o sabwatan?) ni BBM at Sara, aniya. Ayon kay Llamas, nahalal noong 2022 ang dalawa dahil sa “Duterte Brand.” Magkahiwalay at magkaiba ang anak sa ama sa Tatak Duterte, aniya.

May iringan ang mga kampo ni BBM at Rodrigo, ani Llamas. Patuloy ang kani-kanilang mga blogger at troll sa palitan ng mga akusasyon at maanghang na salita, aniya. Kaya nandiyan ang panganib na mauwi sa totoong away ang kanilang iringan, aniya. Sa pakiwari ni Rodrigo, may utang na loob sa kanya si BBM dahil nahalal dahil sa Duterte Brand, aniya.

May batayan na sumiklab ang iringan sa totoong away, ani Llamas. Mag-iisang taon na sa poder si BBM ngunit wala siyang malinaw na pwersa at lakas pulitikal upang igiit ang liderato niya. Hanggang ngayon, nagpapalakas siya, aniya. Samantala, may sariling lakas si Rodrigo at nabuo niya ito sa anim na taon termino bilang pangulo. Kaya buo ang loob niya na sumubo sa away kahit kanino, aniya.

May mga galaw sa kampo ni BBM na pang-inis kay Rodrigo. Tinira ng mga alipures ni BBM si Gerald Bantag na sa pakiramdam ni Llamas ay “paborito” ni Rodrigo dahil naghagis si Bantag ng granada sa selda ng mga druglord umano. Idinidiin si Bantag bilang mastermind sa krimen ng pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid.

Ni-raid ni BBM ang hanay ng mga retiradong heneral at muling kinuha sina Carlito Galvez Jr., Eduardo Ano, at Gen. Andres Centino. Kilala sila na mga heneral ni Rodrigo, ani Llamas. Ngunit mukhang malilipat ang kanilang katapatan mula kay Rodrigo papunta kay BBM. Tapat ang mga heneral sa huling pumili at naglagay sa kanila sa pwesto, ani Llamas.

May kanya-kanyang alas na baraha ng magkabilang kampo, ani Llamas. Tuloy-tuloy ang banat ng kampo ni Rodrigo sa paglalahad na “mahinang lider” si BBM. Sa panig ni BBM, alas na baraha niya si Leila de Lima at ang sakdal na crimes against humanity laban kay Rodrigo na nasa International Criminal Court (ICC).

Kapag lumaya si Leila de Lima mula sa piitan, hindi niya titigilan si Rodrigo hanggang nabaligtad ang sitwasyon kung saan si Rodrigo ang mapupunta sa bilibid. Sisipa umano ang kaso ngayong taon ang sakdal sa ICC at totoong sasailalim ng masusing pagsisiyasat si Rodrigo at mga kasapakat, ani Llamas.

Masaya ito. Subaybayan natin hanggang saan magtutunggalian ang dalawang kampo.

***

MGA PINILING SALITA: “Noong nakisakay lang si Kris Aquino sa presidential helicopter halos ipako na nila sa krus. Ngayong kasama si Dawn Zulueta at Irene Marcos sa Switzerland courtesy of taxpayers’ money, sabi ng pulangaws ok lang kasi mayaman naman sila? Double standards yarn?” – Mac Zamora, netizen, kritiko

I’m sorry pero naiinis ako pag may nagsasabi na hindi mahirap ang Pilipinas. Na mayaman ito, na kaya lang naghihirap ay dahil sa ninanakawan ng mga tusong politiko. Alam na pala na ninanakawan tayo pero bkit yun at yun pa rin ang mga taong ibinoboto natin?” – Isabel Merana, netizen, kritiko

“I join many in lauding CTA’s acquittal of Maria Ressa and rappler.com in the tax evasion cases. Let’s celebrate this triumph of justice over persecution. Hindi talaga dapat pinapalusot ng mga justice institutions yung mga mapaniil na gawain ng nakaraang rehimen.” – Leila de Lima, political prisoner

“Whoah! NZ PM Jacinda Adern resigned because she ‘no longer had enough in the tank’ to do the job. ‘It’s time.’ In the PH, we have to drag politicians screaming and kicking fr power. Except for Cory Aquino, PNoy and Jesse Robredo.” – Raissa Robles, netizen, mamamahayag, kritiko

Huwag daw sisihin iyong mga bumoto kay BBM kasi biktima lang sila ng disinformation. Juskopo, iyong mga kilala kong BBM may access para alamin kung anong tama at hindi. May kakayahang mag-isip sana kaso hindi ginamit sa tama. Kaya hindi mo puede sabihin biktima sila.” – Aurora Rosa Luna, netizen

“In Fyodor Dostoevski’s classic novel “Crime and Punishment,” the main character committed what was a perfect crime. He did not leave any trace that could make him a suspect. Police could not pin him down. But his conscience bothered him no end. He couldn’t run away from his conscience. Eventually, he surrendered to police and his crime was no longer perfect. Dostoevski’s novel was a classic in psychological realism. Like Dostoevski’s main character, Sandra Cam could not run away from her conscience. Guilt has finally caught her. Ole!”

***

MULA sa panulat ng kaibigan Roly Eclevia:

The man suspected of planting a bomb that exploded on PanAm Flight 103 and killed all 207 passengers and crew, mostly Americans, is now in custody.

It took 34 year of painstaking investigation by the FBI and the CIA to identify the suspect, who turned out to be from the Middle East, and bring him to the US for trial.

The case of Apollo Quiboloy, who is charged with sex trafficking and the rape of minors, and other serious crimes, all of which occurred allegedly in the US, looks like a slam-dunk proposition judging from available evidence.

The U.S. Government has a long memory, but there is no need to wait for long to see that the religious cult leader is brought to justice. It must have already contacted DOJ Secretary Crispin Rermulla to demand the implementation of the extradition treaty between the two countries.

If so the Philippines has no choice but to hand him over. He does not have the protection of someone like Muammar Khadafi and the Muslim world of terror, as did the plane saboteur. He only has Rodrigo Duterte, a bumbling, tinpot dictator from the backwaters of Davao.

The post TATAGAL BA ANG ALYANSANG BBM-DUTERTE? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TATAGAL BA ANG ALYANSANG BBM-DUTERTE? TATAGAL BA ANG ALYANSANG BBM-DUTERTE? Reviewed by misfitgympal on Enero 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.