Panimula, isang kataga “ kalakasan ang dala ng kabataan habang ang sa matanda’y ang ulong may uban”. May tama sa puso ang paglalahad ng ibig para sa mga Senior Citizen na halos nakalimutan ng lipunan, pamayanan at maging ng pamilya. Hindi masabi sa kasalukuyang pinagdadaanan ng mga SC dahil sa tikas sa nakaraang panahon. Tikas na walang hindi kayang gawin higit sa panahon ng kabataan. Nariyan ang pagiging pasaway, pala-away, arogante at ‘di papayag na masasaling ng kahit sino. Sa paglipas ng panahon, hindi mapigil ang pagbabago, nariyan na nagkaroon ng asawa’t pamilya na ang pagiging matikas ay naisantabi dahil unti-unting kinakain ng edad ang lakas at liksi. Ang hindi pinalampas na ano mang may hamon ay pinalitan ng pagiging mahinahon. Maging ang maikling pansensiya’y pinalitan ng mahaba at pag-unawa. Sa pagdagdag ng edad, tila ang gawi ng sila’y o’ siya’y bata’y sinisingil sa kasalukuyan. Nasa isipan at alaala na lang ang lahat ng nakaraan lalo’t may iniinda sa kasalukuyan.
Sa pag-inog ng panahon, ang pagkakaroon ng uban ang ginawang sandalan sa mga pagpapasya lalo’t ito’y naging ama’t ina na humugis sa kasalukuyang kabataan. May kahinaan ang pag-aaruga ngunit mapupunuan kung pag-iisipan. Ang kahinaan ‘di kita ang pagsibol ng makabagong teknolohiya ngunit napuno ito ng magagandang asal na natutunan sa nakaraan. Dapat pasalamatan ang pagsisikap na marating ang kasalukuyan na siya namang huhubog sa darating na panahon. Hindi perpekto ang pagdadala ngunit ang mapipilit upang mailagay sa tamang sitwasyon ang kasalukuyan. Ang tamang pag-uugali ang dapat na batayan sa paroroonan ng mga kasalukuyang kabataan at ito ang hamon. Ang hindi nakita sa nakaraan para sa kasalukuyan ang dapat lagpasan para sa kabataan sa susunod na panahon. Malayo ang narating ng agham at teknolohiya ngunit hindi nagpabaya ang nakaraan. Sa halip, mag-iwan ito ng hamon sa kasalukuyang kabataan na gawin ang lahat para sa susunod na salinlahi. Kaya niyo’ ba ito?
Sa kabataan, silipin na ang hamong iiwa’y tanda ng pagtitiwala sa galing na nakita ni Mang Juan sa bawat hakbang na nalampasan higit sa inyong paglaki. Nailabas sa hamon ang natatagong galing na mapapakinabangan sa mahabang panahon. Ngunit, huwag kalimutan sa bawat hamong kinahaharap ang taong humubog at nagpalabas ng kagalingan para sa hinaharap ‘di lang ng bansa maging ng mundo. Sa pagharap sa kinabukasan huwag lumimot na lumingon sa nakaraan upang hindi madupilas sa kinabukasan. Bigyan pansin ang mga magulang, mga guro, mga kasama sa paglaki na pinagmulan ng dunong na nakamit. At nararapat na suklian ang ambag ng nakaraan lalo’t ang mga taong tumayong taga-agapay. Maglaan ng panahon sa pagbabalik o pagpupugay sa mga guro ng nakaraan. Tandaan, ang pagkalap ng kagalingan lalo’t sa palitan ng kaalaman ang mabisang paraan ng pagsasaliksik. Hindi sapat ang magtungo sa mga aklatan, ang bungkalin ang kagalingan ng ama’t ina at mga dating mga guro ang gawing dibuho sa kinabukasan.
Mga kabataan ng kasalukuyang panahon, sana’y huwag mawalay sa inyong pandama na may pangangailangan ang mga magulang lalo ang mga Senior Citizen na bahagi ng inyong pag-unlad maging ng bayan. May pangangailangan ang mga ito na maibigay ng pamahalaan. Hindi nila ito masabi dahil sa dating uri ng pamumuhay na may respeto sa sarili. Hindi ito masabi, ngunit sanay maging mulat kayo sa kanilang pangangailangan. Marami sa SC ang hindi na kayang maglakad at ang gabay o pag-alalay’ gawin may pagkukusa. Hindi man ng pamahalaan, higit ng mga anak na tila nakalimot sa pagpapagal na ginawa upang makamit ang kasalukuyang kalagayan sa buhay. Nariyan na kailangan ng gamot, nariya’t binibigay, ngunit ang paiinumin sa takdang oras ang mas kailangan ng mga SC. Nariyan na ibig nitong tumayo at ‘di magawa dahil sa sakit ng balakang, balikan lang ang panahon na nagsisimula kayong tumayo’t maglakad. Nariyan na ibig nitong kumain,bigyan ito ng oras na subuan na ginawa sa atin ng kayo’y pinalalaki.
Sa katunayan, iba’t – iba ang paraan ng mga SC upang tuloy tuloy na mabuhay at depende sa kalagayan pangkabuhayan. Nariyan ang umaasa sa mga pension mula sa mga nahulugang insurance mula sa pinasukang trabaho. Mayroon na umaasa sa ayuda na ibinibigay ng pamahalaang lokal at ito ang ginagamit na pantustos sa pangangailangan. Nariyan na umaasa sa mga anak na sumusustento sa pangangailangan. Nariyan ang mga SC na maykaya sa buhay na may taga pag-alaga na siyang umaasikaso sa lahat ng pangangailangan. Ngunit sapat ba ang mga ito?
Sa unang tingin masasabing sapat na ang mga inaabot sa mga SC lalo sa pangangailangan pangkalusugan. Ang mga diskwentong ibinibigay ng mga establisyemento mula gamot, pagkain, sa mga pasyalan, pamasahe at iba pa’y masasabing ‘di sila nalilimutan. Ngunit o marahil ang tutok sa mga pangangailangan materyal ang nabibigyan pansin. Sa pakikipagtalastasan sa ilang SC’na kaibigan balewala ang mga materyal na natatamo. Sa halip may ibang nais itong makuha lalo sa mga anak na pinalaki sa kanilang palad. Mas hanap nito ang pagaaruga at pagkalinga ng mga mahal sa buhay na tila walang oras para sa kanila. Ang paghahanap ng magtatayo o magsusubo’y isang malaking bagay at kasiyahan sa mga ito. Ang makadaupang palad, makapalitan ng mga kuwento ay isang malaking bagay na nagpapasaya sa mga ito.
Sa kadena ng pangangailangan, mahalaga ang oras na maibibigay sa ating mga SC na hindi kayang mapunuan ng materyal na bagay. Naiibsan ng pagbibigay oras na kapiling ang mahal sa buhay ang lungkot ng mag-isa. Karaniwang tagong luha ang dumadaloy sa pisngi ng mga SC na nangungulila sa pagmamahal ng mga anak at kaanak. Ginto ang oras, at ito ang gamot na kailangan ng lalo sa panahon ng pag-iisa. Hindi naghahabol sa mga materyal na bagay ang makasama ang anak, apo maging ang mga kaibigan ang nagtataas sa moral nito na kinakain ng pag-iisa. Walang pagnanasa sa ano mang bagay na nagpaligaya sa kanya noong panahon siya’y malakas. Ang tuwirang pagmamahal mula sa anak at kaanak ang tunay na hanap. Kung kapos sa materyal na bagay na dapat ibigay, ang oras at pagmamahal na maibibigay sa mga SC ang tunay na hanap sa kinalinga’y sapat na. Ang pagbabalik pagmamahal at ‘di serbisyo ang hanap. Ang madama ng ating Senior Citizen na sila’y mahalaga sa anak at kaanak ang luwalhating hanap at kayang ibigay. At sa kabataan, tandaan tatanda din kayo…
Maraming Salamat po!!!
The post KADENA NG PANGANGAILANGAN NG SENIOR CITIZEN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: