Ni WALLY PERALTA
PARA kay Angeli Khang, ang latest movie niya na “Bela Luna” streaming simula sa January 27 in all Vivamax apps, ang pinaka-challenging role na nagawa niya kung saan ay dual role siya, si Angeli bilang sina Bela at Luna.
“It’s a movie with two different stories about two different women who are connected with each other, much more than it seems. “And of course, I cannot just reveal how they’re really connected as it will be a very big spoiler,” say ni Angeli.
Dagdag pa rito ni Angeli, ito raw ang movie na siya ay stronger at hindi laging sad at inaapi tulad ng mga nauna niyang movie.
“Most of my past movies, laging sad, laging inaapi ako, but here, as Bela, I’m portraying a strong character na hindi inaapi. She’s woman empowered so it’s something new for me. Mahirap din gawin ang movie kasi magkakaibang love scenes ang ginawa ko with Mark Anthony Fernandez, Kiko Estrada and Julio Diaz”, say pa ni Angeli.
Ang “Bela Luna” produced by Viva Films, written by National Artist Ricky Lee and directed by Mac Alejandre
***
INAMIN ni Jennica Garcia na minsan ay naisip niyang mag-OFW dahil sa kawalan ng raket sa showbiz na bukod tanging ang trabahong alam ni Jennica Garcia, at may mga anak siyang kailangan na paglaanan ang mga kinabukasan.
At nang dumating ang isang oportunidad na magkaraket sa bakuran ng Kapamilya Network ay agad itong tinanggap ni Jennica, ang “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Seth Fedelin at Francine Diaz. Kasama rin sina Dolly De Leon, Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Soliman Cruz, Epy Quizon, John Arcilla, Tessie Tomas, JC Santos, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Christian Bables at marami ang iba.
“Hindi ko po nakalimutan ‘yung sinabi sa akin ni Mama noon, matagal na ‘yun na parang sinabi niya na, ‘Anak, just in case na maisip mo na gusto mo with ABS-CBN, gusto ko alam mo that sir Deo is a very trusted friend of mine and you can go to him.’
‘Yung time po na ‘yun inisip ko, na sige ito na, kakapalan ko na ‘yung mukha ko. Sabi ko, magme-message na lang ako. Kasi, dalawa na rin po ang anak ko and iniisip ko po noon na sige okay lang, kapag hindi ako mabigyan mag-o-OFW na ang ako kasi kumbaga ito lang talaga ang alam kong trabaho eh, ang pag-aartista. So, ang isa ko naiisip ay mag-ibang bansa,” say ni Jennica.
Kahit isang Kapuso ay wala namang existing contract si Jennica sa GMA 7 kaya malaya siyang makatatanggap ng proyekto sa ibang network.
The post Jennica mag-o-OFW kung ‘di na mabigyan ng raket sa showbiz appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: