KRIMINALIDAD, lumalalang problema sa droga, lantarang operasyon ng lahat na uri ng sugal at iba pang paglabag sa batas ay kalat sa buong bansa – patunay na mahina ang kasalukuyang liderato ng Philippine National Police (PNP), damay ang bagong administrasyon ng Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Isang lugar na maituturing na pinaka-magulong rehiyon dahil sa pinagkukutaan ng mga halang ang kaluluwa at kriminal, tulad ng mga drug trafficker, gambling lord, mga sindikato ng paihi o buriki at iba pang uri ng masasamang elemento ay ang Region 4A CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na pinamumunuan ni Regional Police Director, BGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Ang area of responsibility (AOR) ni Gen. Nartatez Jr. ay pinagtataguan ng mga sindikatong sangkot din sa gun for hire, drug dealer, mga adik sa shabu at lulong sa pagsusugal dahil ang R4A ay tinatawag na ding “gambling capital” ng bansa kung saan lantaran ang ibat ibang uri ng sugal tulad ng STL bookies, sakla, pergalan (perya at sugalan) lotteng, paihi o buriki at iba pang kailigalan.
Tulad ng lungsod ng Tanauan sa Batangas na talamak ang STL con-jueteng o STL bookies at pergalan na ang mga operator at financier ng nasabing pasugal ay karamihan ay barangay captain o barangay leader na sangkot din sa bentahan ng shabu, kaya ang siyudad na ito ay tinatawag na ding “sin city” ng lalawigan ng Batangas.
Ang STL bookies sa lungsod na ito ay notoryus ang operasyon na umabot ng dekada na sa ilalim ng pamumuno noon ng kilalang political clan, pero nang manalo bilang mayor si dating Congressman Sonny Collantes noong nakaraang May 2022 election, ang operasyon ng nasabing sugal ay pinahinto ng Tanauan City Police sa utos ng bagong alkalde. Ngunit eksaktong isang buwan at labing walong araw matapos ipatigil ni Mayor Collantes ang STL bookies, ay muling namayagpag sa Tanauan ang operasyon ng bookies.
Sa ulat, isang nagngangalang Ocampo na isa ring kilalang drug dealer sa CALABARZON ang salarin sa likod ng muling pagbabalik ng STL bookies sa siyudad ni Mayor Collantes.
Sa pasimuno ni Ocampo, muling nagpista ang humigit-kumulang sa may 30 gambling /drug operator sa Tanauan City, ilan ay nakilala ng mga KASIKRETA na sina Ablao at Melchor-Brgy. Darasa; Dimapilis-Pantay na Matanda at Pantay na Bata; Kon. Burgos-Brgy. Pantay na Matanda; Gerry- Brgy. Balele; Rodel-Sambat; Jr. Biskutso, alias Kap Biskutso aka Kap Ambo-Poblacion-Brgy. 7; Ms Bagsic; Kap Mario-Pantay na Matanda at Pantay na Bata at Trapiche; Kon. Perez at Lito-Poblacio Putuhan; Emil, Ramil, Angke, Lawin, Berania at Tano ng Brgy. Trapiche; Cancio, Dama at Dexter ng Ulango.
Ngunit pinakamatindi sa pagtutulak ng droga ay ang mga babaing STL bookies operator na sina alias Cristy ng Suplang; Ms. Bagsic; Ms Lilian- Sambat; Ms Annabel ng Pantay na Matanda at Ms Donna-Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda. Gamit din ng mga nasabing lady gambling operator ang isang kunyari ay civic association sa pagpapadeliber ng shabu sa ibat ibang panig ng Batangas at mga lalawigan sa rehiyon.
Sa ulat pa rin, isang mataas na opisyal ng Tanauan City Government ang alas ni Ocampo at ng kanyang mga kapwa /gambling at drug trader, na matapos nilang masuhulan ng Php 5 milyon ay pinayagan ang pagbabalik ng nasabing sugal umpisa noon pang August 18, 2022, kasabay ang muling pag-arangkada ng matinding bentahan ng shabu sa siyudad.
Bukod pa ito sa lingguhang Php 1.5 milyon na matatanggap ng naturang Tanauan City official sa looban ng tatlong taon, mula sa mga barangay official na financier/operator ng STL bookies con droga.
Ang Tanauan City ay isa lamang sa lugar sa Batangas at rehiyon na alanganin ang peace and order dahil ang paniniwala ng grupo ng anti-crime and drug watch group ay mahina ang liderato ni BGen. Nartatez Jr. at malamyang pamumuno ni Batangas PNP Director, Col. Pedro Soliba sa kapulisan.
Sapagkat di kumikilos si Col. Soliba ay gayundin ang sinunod na patakaran ng kanyang hepe ng kapulisan sa Tanauan City sa ilalim ni Lt.Col. Karlos Lanuza Jr.?
Kaya sa tingin ng mamamayan ay reflection ito ng palpak at mahinang pamumuno ni Gen. Azurin Jr. kaya pati si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay pumalpak na rin sa pakiwari ng 31 milyong Pinoy na tumangkilik sa kanya at nagdalang muli sa pamilya Marcos sa Malakanyang.
PDGEN. AZURIN JR., MAY MINI CASINO/BOOKIES SA PADRE GARCIA SINA TISOY AT NONIT!
SA bayan ng Padre Garcia sa lalawigan din ng Batangas ay may isang mini casino at saklaan bukod pa sa talamak na operasyon ng STL bookies sa lahat na barangay ng naturang bayan na pinamumunuan ni Mayor Celsa Braga-Rivera.
Ngunit kampante, di natitinag at walang aksyon laban dito si Padre Garcia Police Chief, Major El Cid Villanueva. Hindi rin ito (Major Villanueva) kumikilos kontra sa operasyon ng STL bookies na nag-ooperate sa lahat na barangay ng naturang bayan.
Ang saklaan con mini casino nina Tisoy at Nonit na hayag ding tambayan ng mga drug pusher at adik ay nasa Malvar Street, katabi lamang ng Padre Garcia Cooperative Rural Bank.
Katabi ng saklaan con casino ang rebisahan din ng bookies nina Tisoy at Nonit na di kalayuan sa police headquarter ni Major Villanueva sa pusod ng bayan ng Padre Garcia.
Ngunit nakadidismayang wala ring aksyon laban dito si Batangas Provincial Director, Col. Pedro Soliba at iba pa nitong opisyales.
Tanong tuloy ng mga miyembro ng anti-crime and drug watch group: may kinalaman ba ang Php 350,00 na lingguhang payola ng saklaan at Php 500,000 tongpats sa STL bookies, kung bakit dedma lang sina PBG Nartatez Jr. at Col. Soliba sa mga kailigalang ito sa naturang munisipalidad?
Kaya naman sa pamamagitan ng SIKRETA ay nananawagan ang mga residenteng apektado ng mga naturang pasugalan kay DILG Secretary Benhur Abalos na paaksyunin si PDG Azurin Jr!
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.
The post PDGEN. AZURIN JR., ANG STL BOOKIES/ DRUG SA TANAUAN, GARAPALAN! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: