MISTULANG ‘bulag’ ang mga opisyal ng Navotas City Police Station, PNP -Region 3 at 4A, NBI, Philippine Coast Guard, Maritime police at Costom dahil kasabwat umano ang mga ito sa ‘black gold operation’ oil smuggling o paihi sa lalawigan ng Batangas, Quezon, Bataan at Navotas.
Bakit?
Sagot – malaking pera umano ang ibinigay bilang “lagay” sa ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan na galing sa mga sindikato ng paihi.
Ang paihi, ay ‘smuggled’ na langis na sinisipsip o hinihigop mula sa Barko o delivery bunker na nakadaong sa karagatan ng Batangas, Quezon, Limay, Bataan at Navotas na inililipat ang kontrabando sa dalang bangka na mukhang mga ‘fishing vessels’ na dumidikit sa mga bunkers habang pasayaw-sayaw ito sa laot ng karagatan.
Ayon sa impormante, maraming taon nang nagpakasasa ang mga sindikato ng paihi maging ang ilang tiwaling opisyal ng PNP Region 3 at 4A, NBI, Costom at Philippine Coastguard dahil hindi birong salapi umano ang pinantatapal ng mga sindikato ng paihi sa mukha ng mga suwapang na opisyal.
Ayon pa sa source, tuwing nagkaroon ng balasahan tiyak walang pagbabago dahil kakausapin lamang ng mga bigtime na sindikato ng paihi ang mga bagong palit tiyak kasama na sila sa kalakaran.
Sinabi ng source na isang alyas Oscar ang gumagamit sa mga pangalan nang mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Region 3 hanggang sa Olongapo tungkol sa P2.7 million ‘tara’ na ibinibigay diumano sa mga tiwaling police officials, costums at coastguard.
Aniya, napaka untouchable din ang paihi ng mga sindikato sa Bataan na sina alyas Lito, Kapitan Goto, Norma ng Orion at Orani, Pedro Limay, Jovy, Suya at isang Chairman Velasco ng Limay, alyas Ben Abucay at Imelda naman sa Brgy. Mandama, Litong, Hermosa at alyas Romy ng Brgy Mabato, Orion, Bataan. Isang alyas Albert at Rex Kabiling ang nag-o-operate ng paihi sa Hermosa at isang alyas Rose naman ang umanoy nagpapasingaw ng Liquified Petrolium Gas (LPG) sa Hemosa, Bataan at isang alyas Blade na nahuli ng NBI-NCR pero aktibong muli sa operasyon ng paihi.
Samantala kamakailan inilahad ni Senator Raffy Tulfo sa pagdinig sa Senado ang pangalan ng mga diumano’y oil smugglers sa bansa.
Ginawa ito ng senador sa gitna ng consultative meeting kaugnay sa estado ng implementasyon ng Fuel Marking Program ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Diretsahang pinangalanan ni Tulfo ang isang Don Rabonza na kilala umano sa Navotas na smuggler ng langis at ng asukal na galing Hong Kong.
Sunod na pinangalanan ng senador ang mga sinasabing oil smugglers ng Batangas at Sariaya, Quezon na sina Sonny Qiu, Jackie Chu, Aron Uy at Lindon Tan.
Tinanong din ni Tulfo ang Customs kung kilala sina Alex Cua, Bogs Violagu, Jong Mangundadatu at Dondon Alahas na nag-o-operate naman sa Mariveles, Bataan.
Subaybayan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.
The post OIL SMUGGLING SA BATANGAS, QUEZON, BATAAN AT NAVOTAS, TALAMAK appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: