Facebook

Ellen ayaw sumawsaw sa icing isyu ni Alex

Ni JOVI LLOZA

WALA raw dapat ipaliwanag si Sunshine Dizon sa kanyang bashers.
Ito ay sa pagkawala ni Sunshine sa Kapuso Network na matagal din niyang naging tahanan.
Kaya nang lumipat ito sa Kapamilya network at di na pumirma at di na pinapirma ng new contract ng Kapuso network ay nakagawa ito ng isang project sa Dos na pinagbidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, ang Marry You, Marry Me.
After nito ay umingay ang isyu na magbabalik Kapuso ito kaya may mga basher na binash si Sunshine.
Sey ng basher na ‘di naman daw kawalan si Sunshine kung nilayasan niya ang network na nagbigay sa kanya ng maraming project.
May nang-bash sa kanya na ingrata at walang utang na loob.
Tunay daw na nasasaktan at basag na basag si Sunshine kapag inaakusahan siyang ingrata at walang utang na loob.
Kaya buwelta nitong nagbabalik Kapuso na may show na gagawin na huwag raw kuda nang kuda ang basher at wala naman itong alam sa tunay na story.
***
AWARE of course si Ellen Adarna sa nagaganap sa loob at labas ng showbizworld.
Kaya ang isyu kay Alex Gonzaga ay dumaan sa kanyang feed or na-watch nito sa iba’t ibang showbiz platform.
Sa kabila na nagpapaka-plain housewife si Ellen kina Derek Ramsay at anak kay John Lloyd Cruz na si Elias.
Alam ni Ellen ang ganap at galawan sa showbizlandia.
Sa IG ni Ellen ay isa-isa nitong sinagot ang Q and A sa kanya ng netizens.
At isa nga sa tanong kung ano ang say nito sa icing isyu ni Alex.
Hindi na nga sinagot ni Ellen ang tanong at tumanggi itong mag-react pero sey ni Ellen na di siya dapat sumagot or sumawsaw sa isyu.
Sabay kambyo ang misis ni Derek na nagsasabi na kahit netizens ay walang karapatan na magsalita hinggil sa isyu na kinasasangkutan ni Alex.
Well, well, well…Yun na!

The post Ellen ayaw sumawsaw sa icing isyu ni Alex appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ellen ayaw sumawsaw sa icing isyu ni Alex Ellen ayaw sumawsaw sa icing isyu ni Alex Reviewed by misfitgympal on Enero 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.