Facebook

JK natakot nang alukin ng role ni Ninoy; Vince ‘di ilag sumabay sa ibang pelikula

Ni ROMMEL GONZALES

NAGKAKAISA ang lahat na right choice si JK Labajo para gampanan ang mahalagang papel ni Ninoy Aquino sa pelikulang Ako Si Ninoy ng Philstagers Films.
Saya at takot daw ang unang naramdaman ni JK noong ialok sa kanya ang pelikula.
“When I was offered the role I was really happy and scared at the same time. Kasi I felt as an actor, it is one of the hardest roles to play, yung real life characters. “Kasi you have to play the character as authentic as possible, right? So hopefully I was able to play it well, I was able to, alam mo yun, honor Sir Ninoy Aquino and ayun I feel honored and scared at the same time,” pahayag ni JK sa grand launch ng pelikula na sinulat at dinirehe ni Atty. Vincent Tañada.
***
WALA pang playdate ang pelikulang Ako Si Ninoy pero malapit na itong ipalabas sa mga sinehan.
“Ang nag-aasikaso niyan ang Reality Entertainment, yung aming distributor and co-producer so hindi pa namin alam kung kailan ang playdate namin,” pahayag ng director at writer at producer ng pelikula na si Atty. Vince Tañada.
Naniniwala si Vince na kahit ano ang makasabay nilang pelikula ay may sarili namang audience ang Ako Si Ninoy.
“So inaasahan namin, lalung-lalo na yung mga fans ng mga artista ng Ako Si Ninoy and this is in fact a movie adaptation of a play which we did back in 2009, and kung makikita niyo yung mga reply sa tweet, maraming nakapanood nung play na yun at gusto nilang mapanood yung movie version so we expect na talagang yung support na makukuha natin sa mga naniniwala sa katotohanan na napatunayan natin sa KATIPS.
“Maraming nagsasabi na flop daw yung KATIPS o nilangaw, hindi naman po siguro tayo gagawa ng bagong pelikula kung wala po tayong pinagkukunan.
“At naging matagumpay po ang KATIPS kaya naririto na naman po tayong muli sumusubok sa bagong pelikula na mas malaki, mas ambitious at mas maraming magagaling na artista, mang-aawit, hindi lamang sa teatro, sa pelikula at sa palagay ko napakaganda rin ng ating istorya sapagkat ito ay ibinigay o galing sa mga resource people na talagang mapagkakatiwalaan,” pahayag pa rin ni Vince.
Bukod kay JK ay nasa cast ng Ako Si Ninoy sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Johnrey Rivas, Nicole Laurel, Sara Holmes, Marlo Mortel, Lovely Rivero, at marami pang iba.
***
KATATAKUTAN ang hatid ng brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi, January28.
Pinamagatang “Kinulam na Ina,” kuwento ito ni Alma na makararanas ng ‘di maipaliwanag na mga sakit.
Masayang nagsasama si Alma at ang live-in partner niyang si Simon at anak nilang si Nathan.
Sasali sa isang konserbatibong Christian group i Alma at mapagdedesisyunan niyang hindi sila maaring magsiping ni Simon hanggang hindi pa sila ikinakasal.
Magkakaroon naman ng ibang babae si Simon at makakadagdag pa sa galit ni Alma ang pagkunsinti dito ng nanay nitong si Mamang.
Kukompruntahin niya ang mag-ina at matapos nito, iba’t ibang sakit na ang dadapo kay Alma.
Resulta nga ba ito ng kulam? Sino ang nagpakulam kay Alma at paano niya ito malalagpasan?
Abangan ‘yan sa brand new episode na pinamagatang “Kinulam Na Ina” sa GMA, January 28, 8:00 p.m. sa #MPK tampok sina Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, at Zyren dela Cruz.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

The post JK natakot nang alukin ng role ni Ninoy; Vince ‘di ilag sumabay sa ibang pelikula appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
JK natakot nang alukin ng role ni Ninoy; Vince ‘di ilag sumabay sa ibang pelikula JK natakot nang alukin ng role ni Ninoy; Vince ‘di ilag sumabay sa ibang pelikula Reviewed by misfitgympal on Enero 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.