Pag-aaral ay malaking bahagi sa buhay ng lahat para sa pag-asenso sa mga pangkabuhaya, subalit marami sa PRIVATE SCHOOLS na imbes tumulong sa mga mag-aaral ay tila pagnenegosyo lamang at nagiging perhuwisyo pa sa mga mag-aaral na kung wawariin ng ARYA ay sistemang BULAG o NAGBUBULAG-BULAGAN ang mga OFFICIAL ng COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED).
Ika nga, tila hindi nagsasagawa ng pagsisiyasat ang CHED kung ang mga PRIVATE SCHOOL partikular na sa mga COLLEGE o UNIVERSITIES ay update ba ang ginagawang pagseserbisyo sa kanilang mga estudyante bilang tumbas sa singil na TUITION FEES?
Tulad na lamang sa pagpoproblema ng isang IT graduating student na si MERVIN CORPUZ ng QUEZON CITY .., noong 2015 ay nag- enrol ito sa ICCT, SAN MATEO, RIZAL ng kursong ECE na matapos ang 1st year nito ay natigil sa pag-aaral, nagtrabaho at muli ay nagkaroon ng tsansang makapag-enroll uli sa ibang school.
Taong 2017 ay nagrequest na ito na makuha ang TRANSCRIPT OF RECORDS (TOR) mula sa ICCT na ang advise ng ICCT, SAN MATEO ay sa ICCT, CAINTA ang kuhanan ng TOR.., subalit hindi nakakuha at ngayong taong 2023 na graduating student ngayon ito sa IT Course sa MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY.., ay noon pang 2019, ang mismong iskul nito ang nag-follow up sa ICCT, CAINTA.., pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang TOR.., hindi ba malaking perhuwisyo ito sa mga estudyante pati na sa mga magulang na nagtataguyod sa pagpapaaral sa kanilang mga anak kung hindi makagraduate ang estudyante dahil lamang sa kapabayaan ng PRIVATE SCHOOLS?
Bukod diyan ay may mga PRIVATE SCHOOL na nito pang nakaraang taon ay nagsipag-graduate na ang kanilang mga estudyante.., subalit, ang mga TOR ay sa darating na June 2023 pa raw makukuha ng mga nagsipagtapos.., asowsnainang perhuwisyo yan sa mga nagsipag-graduate dahil may mga kursong kinakailangan magsikuha ng BOARD EXAMS o ang iba naman ay kailangang makapag-aplay na ng kanilang magiging trabaho.., pero dahil wala silang hawak na school records bilang pagpapatunay na sila’y nagsipagtapos na ay tengga ang aabutin nila, magiging.mga tambay na perhuwisyong idinulot ng mga pabayang SCHOOL ADMINISTRATOR.
Eto ang mga problemang kinakaharap ng maraming mga estudyante na maaaring hindi umaabot sa kaalaman ni CHED CHAIRPERSON PROSPERO “POPOY” DE VERA III.., dahil, kahit mga estudyante ay marami sa mga ito ang hindi alam kung saan dapat sila humingi ng asiste o pagrereklamuhang ahensiya.
PAGING CHED CHAIRMAN DE VERA.., pakisiyasat nga po ang mga PRIVATE SCHOOLS sa kanilang mga sistema at maipairal dapat na ang lahat ng school documents na kailangan ng mga estudyante bilang patunay na sila ay GRADUATE na.., ay dapat nang maibigay ng SCHOOLS upang magamit ng mga nagsipagtapos para makahanap ng kanikanilang mga trabaho o makakuha sila ng BOARD EXAMS!
***
MEDICAL MARTIAL LAW IPAIIRAL NG WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO)?
May matinding PELIGRONG kinakaharap ngayon ang sangkatauhan sa ipaiiral ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) na MEDICAL MARTIAL LAW dahil sinang-ayunan na ito ng mga mambabatas.mula sa CONGRESS at ito ay tinatalakay na rin ng HOUSE OF SENATE.., na tila mayorya sa mga ito ay pabor sa magiging kapangyarihan ng WHO.
Mga ka-ARYA, nitong December lamang isinalang sa CONGRESS ang HOUSE BILL 6522 o ang PHILIPPINE CENTERS FOR DISEASE PREVENTION AND CONTROL ACT (CDC ACT) ay aprubado na agad at ngayon ay nasa SENATE HOUSE na at posibleng sang-ayunan din ito ng mga SENATOR.., na malaking banta ito sa paglabag sa BILL OF RIGHTS.
Ang CDC ACT ay magiging sunud-sunuran ang PHILIPPINE GOVERNMENT sa kung ano ang idedeklara ng WHO sa aspeto ng HEALTH PROTECTION na walang sinuman ang makakapagprotesta.., na tila matutulad sa KOMUNISMO na kung ano ang idikta ay iyon ang iiral.
Sa punto ng mga mapanuring sektor, ang CDC ACT ang magiging daan para sa pagsasagawa ng
forced vaccination, lockdowns, experimental treatment to our families under the pretense of health emergencies (ex failed Monkeypox). No one will be held legally liable for any death or injury to our family. This is a grave threat to our lives and this must never be allowed”…, ASUMALOSEP paktay tayo riyan sa eksperimentong pagtuturok na ipinampopronta kuno ang HEALTH PROTECTION pero sa likod nito ay ang mapagnenegosyohan ng mga VAX MANUFACTURER sa pakikipagsabuwatan ng WHO OFFICIALS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.
The post CHED BULAG SA PRIVATE SCHOOLS? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: