Facebook

1954 to 2023

LeBron scoring record countdown. Kaunti na lamang ang puntos na kailangan ni LBJ para maungusan si Karrem Abdul Jabbar sa listahan ng paramihan ng naibuslo sa kasaysayan ng NBA. Bale 158 na llang ang kulang pagkatapos ng W ng Lakers sa Spurs nitong Huwebes.

Kasabay din yan ng pagbabalik ni Anthony Davis at unang game ni Rui Hachimura.

Tinatayang 5 o 6 na laro na lamang at tatanghalin ng hari ng scoring ang tubong Akron, Ohio.

***

Ang lakas naman ng Strong Realty Group sa GMA-7 para iere ang mga laban nila sa Dubai international Basketball Championships.

Sila ba nagbayad sa Kapuso Network para sa airtime at coverage

Pati nga Mighty Sports umatras para kanilang grupo makasali kahit MS nagwagi sa torneo sa maunlad na siyudad ng United Arab Emirates 2023.

***

Ngayong tayo main host ng World Cup ay maigi na magpugay tayo sa mga miyembro ng pambansang koponan na naka ikatlong puwesto sa FIBA World Basketball Championship sa Rio de Janeiro taong 1954.

Pangunahing kasapi ng RP Team noon ay si Carlos Loyzaga na ama nina Chito at Joey.

Ang tinaguriang “The Great Difference” ay napili pang bahagi ng Mythical Five sa kapitolyo ng Brazil.

Ang ibang cager na nagsuot ng uniforme ng Pinas ay sina Lauro Mumar, Francisco Rabat, Napoleon Flores, Mariano Tolentino, Benjamin Francisco, Rafael Barreto, Ponciano Saldaña, Florentino Bautista, Ramon Manulat, Bayani Amador at Antonio Genato. Coach nila si Herminio Silva.

Saludo kami sa inyo! Best ever finish yan ng mga Pinoy o kahit sino sa Asya.

The post 1954 to 2023 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1954 to 2023 1954 to 2023 Reviewed by misfitgympal on Enero 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.