Facebook

DIGITALIZATION, DRASTIC REFORMS NI PANGULONG MARCOS VS. SMUGGLING

Tila wala nang katapusan ang problema sa smuggling sa bansa.

Marami nang administrasyon ang dumaan na sinubukang komprontahin ito pero hindi nagtagumpay.

Aba’y walang kahirap-hirap na naipapasok sa bansa ang mga agricultural product.

Anyong walang kinatatakutan ang mga sindikato.

Maituturing pa namang economic sabotage ang ginagawa nila.

Ang problema, balewala lang sa mga smuggler at hindi man lang bumabahag ang buntot nila.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. laban dito ay ang digitalization.

Muling binigyang diin ni PBBM ang kahalagahan nito sa mga government transactions, partikular sa Bureau of Customs (BOC), upang masugpo ang talamak na smuggling.

Maliban dito, makakatulong daw sa paglago ng ekonomiya ang mas modernisadong data at transaction handling sa gobyerno.

Sabi ng Presidente, importanteng masolusyunan ang isyu ng walang humpay na smuggling kung saan halos lahat na ng mga produkto ay illegal nang naipupuslit sa bansa.

Dapat nga namang gamitin na sa Pilipinas ang mga proseso na matagal nang umiiral sa ibayong dagat.

Kaya nanawagan din si Pang. Marcos ng drastic bureaucratic reforms laban sa smuggling na nagiging banta na raw sa mga lokal na industriya at nakakaapekto sa tax collection ng pamahalaan.

Kung matatandaan, bumaha nang todo ang mga puslit na agri products sa bansa tulad ng bigas, asukal, carrots, sibuyas, bawang, at iba pa.

Ang masaklap, hanggang ngayon ay nagpapatuloy ito.

Sa darating na Lunes, Enero 30, 2023, ay may magaganap na stakeholders’ meeting na ipinatawag ni Pang. Marcos, kasama ang mga importer, trader, retailer at magsasaka.

Kasama raw pala sa mga pangunahing pag-uusapan sa meeting ang presyo ng lokal na sibuyas at imported na sinasabing nasa P120 hanggang P200.

Aminado naman si PBBM na talagang talamak ang smuggling at waring ‘wa epek’ ang sistema at pamamaraan ng BoC para mapigilan ito.

Nawa’y magtagumpay ang administrasyon sa mga isinusulong nitong reporma sa burukrasya, partikular sa customs.

Makahanap sana ito ng pinaka-epektibong paraan laban dito.

Pinipilayan kasi ng smuggling ang lokal na industriya at inaagawan ng kabuhayan ang ating mga magsasaka.

***

Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Salamat po at stay safe!

The post DIGITALIZATION, DRASTIC REFORMS NI PANGULONG MARCOS VS. SMUGGLING appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DIGITALIZATION, DRASTIC REFORMS NI PANGULONG MARCOS VS. SMUGGLING DIGITALIZATION, DRASTIC REFORMS NI PANGULONG MARCOS VS. SMUGGLING Reviewed by misfitgympal on Enero 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.