Ni JOVI LLOZA
SA programa ni Boy Abunda ay sumalang ang Kapuso Primetime actress na si Marian Rivera sa Fast Talk show.
Hindi naman kaila sa lahat na handa na sa baby no. 3 si Marian at open ito na magkaroon ng malaking pamilya.
Pero masaya si Marian at mayroon na siyang Zia at Sixto.
Kung bibigyan pa sila ng isang anak or more ay okey lang at kung hindi na ay okey din sey pa ng Kapuso Primetime actress.
Isa sa ikinawindang ng netizens ay ang tanong ni Kuya Boy kay Marian kung sino ba sa kanila ni Dingdong Dantes ang mas nauunang mangalabit.
Napamulagat ang mata ni Marian at nabigla na nasabi, minsan ay sabay silang nangangalabit.
Sabay kambyo na ang madalas mangalabit ay ang mister na si Dingdong.
Natatawa ang TV host na si Kuya Boy sa pagbubuking ni Marian kay Dingdong.
Kung si Marian ang tatanungin ay ready na ito sa baby no. 3.
***
DA who ang TV host-actress na itetch na lagi na lang nag-iimbita sa kanyang balaysung kapag may niluluto itong mga putahe para ipatikim sa mga amiga.
Minsan ay may mga hinahanda itong food at nag-iimbita ito ng kanyang mga kaibigan para ipatikim ang mga handang putahe.
Aba, ang kaloka kapag nandoon na ang kanyang mga friendship ay may i bida ito sa mga presyo ng ulam na kanyang handa.
Kesyo mahal na ang mga karne, isda, gulay, sahog, etc, etc.
Kada kukuha sa putahe na gustong kainin ng bisita ay may i-compute na ito or nagkukuwenta na kung magkano ang nagastos nito sa pagkain.
Kaya parang ayaw na raw kumuha ng mga putahe ang bisita, kuwentahan ka ba naman.
Ending napag-alaman na di pala siya ang nagluluto at inoorder lang ito.
Okey lang kung resto eh kung karinderia at kung makapagkuwenta ang TV Host actress politician parang ayaw mo nang sumubo.
Well, well, well…’Yun na!
The post Marian binuking, Dingdong unang nangangalabit appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: