Facebook

Lea nawarningan sa kagaspangan ng ugali ni Alex

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS na mag-viral ang video ng pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing ng cake sa mukha ng isang waiter, hindi pa rin tinantanan ng pambabatikos ang YouTuber-actress.
Ito ay kahit humingi na siya ng tawad sa kanyang ginawa sa nasabing empleyado ng isang restaurant noong kaarawan niya.
Patuloy din na nagsulputan ang iba’t ibang testimonya tungkol sa umanoý pagkakaroon ng attitude ni Alex.
Isa na rito ang production staff na nakasama ni Alex sa pelikulang ginawa nito sa Regal noon.
Aniya, halos lahat daw ng mga kasama ng aktres ay gusto siyang isumpa noon.
Aniya, ang isang cast member daw na si Reb Atadero, isang theater actor ang makapagpapatunay sa umanoý kagaspangan ng aktres.
Kinumpirma naman niya ang naging hindi kaaya-ayang experience sa pakikipagtrabaho kay Alex.
Aksidenteng naiwan daw niya noon ang kanyang bag sa upuan ni Alex habang nasa set at tinarayan siya nito.
“As I was trying to get settled, tinawag ako bigla for briefing. Nagmadali ako and I accidentally left my bag on top of a cot. Apparently, it was hers. Pagbalik ko: ‘Kaninong bag ‘to?’ “Me: ‘Mine! I’m so sorry!’ “She EXHALED at me followed by a weak smile. That was our intro,” tweet ni Reb.
Sa pagbabalik-tanaw pa niya, may sinisino raw ito lalo pa’t sa mga taong hindi pa sikat.
Dagdag pa niya, may tendency din daw ito na mag-walk out sa eksena kahit hindi pa nagka-cut.
“Short version: Kung wala kang pangalan, hindi ka niya para bigyan ng basic respect. Kahit na may eksena kayo, basta’t wala sa kanya ang camera, pag tapos na ang mga linya niya, bibitaw at iiwan ka sa ere kahit wala pang sumisigaw ng ‘CUT,” dugtong niya.
Hindi naman napigilang mag-react ng broadway diva na si Lea Salonga sa kanyang naging post na nagsilbing babala sa Tony award winning actress.
Reaksyon ni Lea:”Goddamn Reb, you’ve now piqued my curiosity. And I know what theater people would say to this story!”
Tugon naman ni Reb: “@msleasalonga, hahahaha!I can even hear how they’d say it. Hahaha!”
Sagot ni Lea: “@rebranger, and how loudly!”
Nag-react din sa nasabing post sina Michael de Mesa at ang singer at theater actor na si Gian Magdangal.
Ani Gian: “Lam ko na ito, hahaha!”
Sumatutal, nawarningan na ang dalawa tungkol sa pakikipagtrabaho kay Alex.

The post Lea nawarningan sa kagaspangan ng ugali ni Alex appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lea nawarningan sa kagaspangan ng ugali ni Alex Lea nawarningan sa kagaspangan ng ugali ni Alex Reviewed by misfitgympal on Enero 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.