Di pa pala ok…Mommy Divine pinababalik ang pagkaing padala nina Sarah at Matteo; Andi iniyakan ang role na napunta kay Marian
Ni JOVI LLOZA
KALOKA itong nag-e-effort na nga sina
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para magpakumbaba at gumagawa na ng paraan para maging malapit ulit sa isa’t isa ang mag-anak.
Sa tsikahan ng online show ni Cristy Fermin at mga kasamahan ay may kudahan sila na si Pop Princess ay madalas daw na nagpapadala ng pagkain sa kanyang ina.
Sa pagpapadala nga ng pagkain nina Sarah at Matteo na iniuutos sa kanilang tauhan ay tila di ito nakararating sa kinauukulan.
Hindi raw naligaw kundi nahaharang na sa gate pa lang ng tinitirhan ang pagkain para sa kanyang mga magulang.
Hindi raw ito nakapapasok at ipinababalik sa couple.
Tila naitimbre na sa mga guard na basta galing sa mag-asawa ay di puwedeng makapasok sa bahay.
Kaya ang ending, bumabalik ang ipinadalang pagkain kina Sarah at Matteo na para sana sa kanyang magulang.
Tanong ng netizens, di pa ba okay si Sarah at mga magulang nito na sina Mommy Divine at Daddy Delfin?
***
NAGBALIK alaala kay Andi Eigenmann ang isang memory na ayaw na sana niyang balikan.
Hindi man nag-audition noon pero pasok siya para sa Mexican adaptation na Marimar ni Thalia.
Pero sa di nito maintindihang pangyayari ay di na nga napasakanya ang project.
Sa isang post sa socmed ni Andi ay may larawan na nasa beach.
May napakomento pa na kamukha pa naman nito si Marimar.
Kaya nag-sink sa kanyang alaala na di nga siya naging si Marimar.
Taong 2015 nang maging Marimar si Marian Rivera at sinundan ito ni Megan Young sa parehong role noong 2017.
Grabeng hagulgol si Andi nang di mapunta sa kanya ang role as Marimar.
Well, well, well…’Yun na!
The post Di pa pala ok…Mommy Divine pinababalik ang pagkaing padala nina Sarah at Matteo; Andi iniyakan ang role na napunta kay Marian appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: