Ni FAVATINNI SAN
SUNUD-sunod ang mensahe ni Pokwang sa socmed. Kulang na lang tukuyin na ang lalaking nagbigay sa kanya ng magandang anak na si Malia.
Maging ang apelyidong Subong ay gagamitin na ng kanyang anak.
Kung nuong isang taon ay panay ang tanggi na maasim na ang pagsasama ng dalawa at naging hint pa ang di pagsama ng pangalan ni Lee O’Brian sa packaging ng kanyang gourmet business.
As of press time, nakipag-usap si Pokwang sa kanyang abogado. Aba, ibang usapan na ito. Gusto namin magbigay ng multiple choices (oppps, sa aming sapantaha, huh!) Una, hihingi siya ng ‘financial support’ kay Lee. Pangalawa, kay Pokwang ibigay ang child custody, Pangatlo, ipa-deport si O’Brian.
Sayang ang masasayang araw ng dalawa at matagal na rin naninirahan sa ating bansa ang Amerikano nannabihag ng kagandahan ni Pokwang.
Buti naman at hanggang maaga nakilala niya nang husto si Lee. Gan’un talaga ang pag-ibig nakikilala mo nang husto kapag kayo ay nagsasama na sa isang bubong.
***
SA tinagal-tagal ni Lovi Poe sa syobis, iba’t ibang karakter ang kanyang nagampanan. Siyempre, ang kanyang kaseksihan pa rin ang madalas ibenta sa kanyang pelikula o maging sa mga serye.
Sey ng kanyang co-stars, di mo maririnig ang pagtanggi rito. Palabas na sa susunod na linggo ang pelikulang ‘Latay’ na katambal niya si Allen Dizon. Sure, may sizzling love scenes ang dalawa.
Sa totoo lang, malakas ang sex appeal ni Lovi lalo na ang kanyang brown skin, no!
Abala ngayon ang alaga ni Leo D., sa puspusang teyping ng FPJ’s Batang Quiapo katambal ang aktor/direktor na si Coco Martin.
Kahit pantelebisyon, may pampakilig na eksena ang dalawa. Malapit na itong mapanood sa telebisyon na katapat ng Voltes V ng GMA-7.
The post Lovi sexy body ang pambenta sa pelikula at serye; Pokwang type mapa-deport si Lee appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: