Facebook

Mahigit 1,300 dayuhan na-deport noong 2022

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 1,300 dayuhan ang na-deport noong 2022.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, may kabuuang 1,339 aliens o dayuhan ang lumabag sa violated immigration laws ang itinapon pabalik ng kanilang bansa at ang mga ito ay inilagay sa listahan ng mga blacklisted ng ahensya.

Nangunguna sa listahan ng mga deported na dayuhan ay ang mga Chinese na may 1,104 deportees, sumunod ang South Koreans na may 87 deportees, Vietnamese na may 39, habang ang Americans at Nigerians ay may 19 at 12 na mga deportees..

Ang mga nasabing dayuhan ay nakagawa ng paglabag sa umiiral na immigration laws kabilang na ang overstaying ng kanilang visas, paglabag sa kundisyon ng kanilang pananatili sa bansa at pagiging undesirable aliens.

“Despite the onslaught of the pandemic and the difficulties brought about by travel restrictions worldwide, the BI continued its arrest and deportation of illegal aliens,” sabi ni Tansingco.

“We remain relentless in our drive to rid the country of aliens who abuse our people’s hospitality and pose a threat to our society,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post Mahigit 1,300 dayuhan na-deport noong 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mahigit 1,300 dayuhan na-deport noong 2022 Mahigit 1,300 dayuhan na-deport noong 2022 Reviewed by misfitgympal on Enero 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.