Facebook

FG ANCHETA , SLP AT ASIA’S MODERN HERO AWARDS

TUNAY na deserving si Frederick Galang Ancheta at ang pinamumunuang Swim League Philippines na gagawaran ng prestihiyosong Asia’s Modern Hero Awards 2023 na gaganapin sa Pebrero 17,2023 ,5:30 n.h. sa The Grand Ballroom ng Okada Manila.

Si Ancheta, pangulo ng SLP na ang adbokasiya ay palawigin pa ang naturang olympic sport mula sa kalunsuran hanggang sa kanayunan sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuturo para sa mga batang may potensiyal.

Dahil sa grassroot swimming program ng kanyang SLP katuwang sina chairman Joan Melissa Cacho Mojdeh, executive director Philbert Reyes Papa at ang buong miyembro ng Board of Directors ay naging realidad ang noble project partikular sa pagtuklas ng mga kabataang may hinaharap bilang manlalangoy na puwedeng ihasa ang talento sa giya ng mahuhusay na swimmimg coaches

Malaking bagay din sa igagawad na karangalan para kay Ancheta ay ang kanyang inilunsad na training the trainors na ‘Coaches Training Seminar’ para higit na maintindihan ang pagko-coach sa swimming at mga online sports management partikular noong lockdown din.

Na -conceptualize ni Ancheta (nag-aral sa British Aerospace Institute sa England, nagtapos ng cum laude sa Colegio at nagsimula ng Masters sa Sapienza University sa Rome) ,ang “Drown Free Philippines Initiative’ matapos ang halos isang taon na pagre-research kaugnay nito para magkaroon ang Pilipinas ng Programa upang walang Pilipino ang malulunod.

Siya ay nagsulat din ng apat na module ng libro na ilulunsod kalakip ang ‘Drown Free Philippines’.

Mithiin ng Swim League Philippines na itaas ang kalidad ng swimming, pananaw ng kakayanan na maitaas ang antas ng coaching ayon sa pangangailangan ng partikular na coach.

Magsasagawa ng Masters Program at Elite Project bukod sa grassroot program ng bansa.

Itaguyod ang Sports Tourism at maisabay sa curriculum ng DepEd ang swimming.

Mabigyan ng maraming pagkakataon ang Pilipinong manlalangoy lalo sa nasa sektor ng mahihirap.

Itinutulak ang inclusivity regardless of age ,sexual orientation at disablities ng bawat Pilipinong manlalangoy.

Maging homegrown- hometrained ang ipadadala sa international competitions.

” Every Filipino child must be afforded equal chance and opportunities.What will make of the child in the future will depend on how we hone them today”, sambit ni Ancheta.

” We are truly grateful and humbled by the recognition and opportunity given us by the Asia’s Modern Heroes Award 2023.In behalf of our chairman Joan Melissa Cacho Mojdeh,our E.D. Philbert Reyes Papa and the entire members of the Board of Directors,we wish to extend our gratitude,” ani pa Ancheta na nagpasalamat sa hardworking men and women ,children,coaches,swimmers,parents and supporters.

Pati na rin sa higit 399 team officials nationwide,mga kapatid sa organisasyong CNLSCA,SSCAP at mga kapwa members sa swimming community na FESSAP,PJSSA,PSL,PASCAI,STCA,USCA,STSA,Sports Guild,TOPS,ISSO,ay kanyang isini-share ang rekognisyong handog din sa namayapang swim icon na si Susan Papa.

Ang Asia’s Modern Hero Awards 2023 ay isang prestihiyosong award giving body na nagbubukas ng pintuan para sa mga modern heroes ng kontinente na nagbibigay ng karangalan sa mga present-day humanitarian advocates na kikilalanin sa Asia at sa buong mundo.

The post FG ANCHETA , SLP AT ASIA’S MODERN HERO AWARDS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FG ANCHETA , SLP AT ASIA’S MODERN HERO AWARDS FG ANCHETA , SLP AT ASIA’S MODERN HERO AWARDS Reviewed by misfitgympal on Enero 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.