Facebook

MAJ. GEN JONNEL ESTOMO, SUPER SIPAG!

Mahabang panahon nang hindi maitatatwa ang mataas na insidente ng kriminalidad sa Metro-Manila kapag sumasapit ang kapaskuhan at Bagong Taon, pero ngayong taong ito ay kapansin-pansin na tahimik at kung may nangyayari mang krimen ay maihahambing sa manaka-nakang patak ng ulan sa tag-araw. Dati-rati ang mga halang ang kaluluwa o mga kriminal ay nagpipyesta tuwing sumasapit ang Holiday Season, panahon na kung kailan ay lumalabas ang pami-pamilya para mag-shopping, mamili ng regalo para sa mga mahal sa buhay mula sa mga 13th month pay bonus na tinanggap sa kanilang mga trabaho.

Sa maraming taon na lumipas, hindi naging maganda ang imahe ng National Capitol Region Police Office (NCRPO) dahil sa kaliwa’t-kanang pagkakaroon ng ibat ibang uri ng krimen kapag sumasapit ang simbang gabi na ang mga simbahan ay halos mapuno ng maraming tao.

Subalit ngayon, ang katahimikan at kapayapaan ay ramdam na ramdam ng mga residente ng Metro-Manila. Ito ay nagpapakita ng magaling na pamamalakad at liderato ni NCRPO Maj. Gen. Jonnel Estomo.

Sa datus na ating nakalap, mababa ngayon ang insidente ng krimen sa panahon ng simbang gabi sa Metro-Manila kumpara sa napakataas na kriminalidad sa mga nagdaang taon, bagay na nagpaganda sa imahe ng NCRPO.

Sa totoo, nararapat lang na ma-promote itong si Gen. Estomo dahil nakikita sa kanya ang ugali ng isang magaling at maaasahang lider Pakiwari natin angkop na angkop itong si Maj. Gen. Estomo bilang NCRPO Chief dahil tagumpay ang mga isinusulong na mga proyekto’t programa para sa kapitolyong ito ng bansa na bukod sa sentro ng komersyo at naglalakihang negosyo ay luklukan ng may kapangyarihan ng pamahalaan, isang posisyon na maituturing na napakalaking hamon sa kakayahan para sa isang Philippine National Police (PNP) Chief contender.

Super sipag itong si Maj. Gen. Estomo, katangiang bihirang makita sa napakaraming opisyal ng Pambansang Kapulisan kung ihahambing sa iba na ang ipinagmamalaking galing o expertise sa pamamahala ay kung papaano magkamal ng datung sa pamamagitan ng pakikipagkutsabahan sa operator o financier ng kailigalan tulad ng illegal gambling, oil pilferage at kung anu-ano pang iligal na pagkikitaan.

Si Maj. Gen. Estomo kaylanman ay hindi nagteyngang – kawali, hindi naging pipi at lalong di naging bulag para umaksyon sa mga daing at panawagan ng kanyang mga mamamayang pinaglilingkuran.

R4A CHIEF PBG JOSE MELENCIO NARTATEZ JR., KABALIGTARAN NI MGEN. ESTOMO
KUNG si Maj. Gen. Jonnel Estomo ay pinupuri natin dahil super sipag at ginagawa ang kanyang trabaho, ito namang si BGen. Nartatez Jr. ay kinokondena, binabanatan ng CALABARZON based anti-crime /vice crusader group dahil tutulog-tulog, hindi ginagawa ang pagiging pinuno ng R4A para matigil na ang namamayagpag na kailigalan lalo na ang operasyon ng illegal vices tulad ng STL con-jueteng, sakla, pergalan (perya at sugalan), na karamihan ay prente ng kalakalan ng droga, paihi o buriki at iba pang kabalbalan.

Isa pang PNP official na malawak ang responsibilidad sa pagganap ng kanyang tungkulin kapag anti-crime, anti-vice at pagpapanatili ng katahimikan ang pag-uusapan ay si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Ronald Lee, pero tulad ni BGen. Nartatez Jr., tila bulag din ang heneral na ito sa nangyayari sa rehiyon?

Sa ganang atin, hindi natin kinokondena sina Heneral Nartatez Jr. at Heneral Lee, kundi pinaaalalahanan lamang na baka ang mga ito ay hindi sinusunod ng kanilang mga pinagkakatiwalaang opisyales, pinaiikukutan lamang lalong-lalo ng ilang provincial director, regional at provincial CIDG officer at police chief sa ibat- ibang mga siyudad at bayan sa kanilang area of responsibility (AOR)?

Isang halimbawa ng kawalang aksyon nina Batangas Provincial Director P/Col. Pedro Soliba, CIDG Regional Chief Joel Ana, CIDG Provincial Officer Maj. Jet Sayno at Padre Garcia Police Chief Maj. El Cid Villanueva ay ang pananatili ng operasyon ng pinakamalaking sakla den sa buong R4A na matatagpuan sa Malvar Street at sa katabi nitong rebisahan ng STL con-jueteng sa bayan ng Padre Garcia, Batangas.

Sila ba ay nangungunsinte, nasusuhulan o sadyang tatamad-tamad sa kanilang mga trabaho, bagay na dapat na tuklasin nina Gen. Nartatez Jr. at Maj. Gen. Lee?

Tunay na kaliwat’t kanan ang pagkondena ng anti-crime/vice crusader group laban sa gambling den sa naturang lugar na matagal na ding nagsisilbing front ng bentahan ng shabu di lamang sa Batangas kundi maging sa buong rehiyon, ngunit sa laki ng iniuulat na intelhencia o suhol na inihahatag ng mga operator ng naturang drug/gambling den ay naging bulag at bingi na ang maraming opisyales ng kapulisan laban sa mga operator nito.

Marami ding mapamerwisyong operasyon ng pergalan (perya at sugalan) sa mga barangay ng Lipa City, Tanauan City, Sto Tomas City at bayan ng Tuy, kung saan isang Janog ang nag-ooperate ng pergalan, mga saklaan sa Laguna at Cavite lalong na sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA), Naic at Noveleta, ngunit pinapatungan ang mga ito ng ilang police scalawag bukod pa sa proteksyon ng kung tagurian ay mga “kapustahan” (tong kolektor) ng ilang top PNP official sa R4A.

Kinilala ang mga “kapustahan” (tong kolektor) sa CALABARZON area na sina Timmy alias Charlie na isa ring STL bookies at sakla operator sa Laguna at Batangas, Sgt. Corpus alias Butch, Sgt. De Guzman na may mga alias na Digoy at Allan, Sgt. Uchin, Sgt. Marcial, Kap. Ambo, Sgt. Adlawan at ang ex-convict na si alyas Balay. Ang mga ito ay di naipapaaresto nina Gen. Nartatez Jr. at Maj. Gen. Lee.

Si Maj. Gen. Estomo ay disciplinarian na ang direktiba ay sinusunod ng kanyang mga district director, hepe ng kapulisan sa limang distrito ng Kamaynilaan at 12 lungsod at isang musipalidad sa Metro-Manila area, kabaligtaran sa R4A na tila ang mga provincial commander ay hindi sinusunod ang utos ni Gen. Nartatez Jr., kaya naman ang crime rate ay mataas at ang kailigalan ay lantaran.

Sina Maj. Gen. Estomo at BGen. Nartatez Jr. ay magkaklase, parehong miyembro ng pretihiyosong Philippine National Military Academy Class ’92 at kapwa aspirante sa trono ni PDG Rodolfo Azurin Jr., ayon sa ating mga KASIKRETA sa Camp Crame at kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Malacanang Palace.

Kailangang mag-imbestiga ang pangulo para di siya magkamali sa pagpili ng magiging PNP Chief dahil kapag siya ay pumaltos sa kanyang desisyon, tiyak na ang maapektuhan ay ang kanyang liderato sa mata ng 31 milyong Pilipino na nagdala sa kanya sa Palasyo.

Hindi natin kinakampihan si Maj. Gen Estomo, di natin ito personal na kakilala, lalong hindi kaibigan at kahit minsan ay di nakakaharap ng inyong lingkod, ngunit kung “performance” ang pag-uusapan, siya ay nagtatrabaho, mabilis umaksyon at sadyang tayo ay pinahanga nito sa mabilis na paghakbang laban sa mga ilegalista sa Malabon City na naging paksa sa ating pitak.

Sayang naman kapag ang pagiging “action man” ng heneral na ito ay mababalewala lamang dahil ang kalaban sa top PNP post ay ang ipangangalandakan lamang at ipinagmamalaking kwalipikasyon ay ang pagiging isang full-bloodied na Ilokano at malakas sa administrasyong Marcos Jr. ngunit, kulang naman sa gawa, walang liderato at kukuyakuyakoy lang at ayaw talagang magtrabaho?

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com; cp # 09664066144

The post MAJ. GEN JONNEL ESTOMO, SUPER SIPAG! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAJ. GEN JONNEL ESTOMO, SUPER SIPAG! MAJ. GEN JONNEL ESTOMO, SUPER SIPAG! Reviewed by misfitgympal on Enero 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.