SA ulat ng Oxfam International sa kanilang latest ‘Surival of the Richest’ report, ang kayamanan ng sampung pinakamayayamang Pinoy sa Pilipinas ay mahigit pa sa kayamanan ng 55 milyong Filipino.
Ito ay sina: magkakapatid na Sy (mga anak ng yumaong may-ari ng SM na si Henry Sy) na may kabuuang kayamanang networth na US$12.6 billion; pumangalawa si dating Senador Manny (Manuel) Villar na mister ni Sen. Cynthia at ama ni Sen. Mark na mayroong $7.8 billion; sumunod sina Enrique Razon, Jr., ang may hawak ng north harbor, na may $5.6b; Lance Gocongwei at mga kapatid, mga may-ari ng Robinson’s mall at Cebu Pacific airlines ($3.1b); Aboitiz family, may-ari ng Aboitiz shipping ($2.9b); Isidro Consunji and siblings (2.9b); Tony Tan Caktiong and family ($2.6b); Jaime Zobel de Ayala and family ($2.55b); at pang-sampu si Ramon Ang ($2.45b).
Pag pinagsama-sama ang kanilang networth ay US$42.5 billion. Kung i-convert natin ito sa Philippine money o peso sa palitan ngayon na P54 kada dolyar ay aabot sa P2.295 trillion ang kanilang kabuuang kayamanan. Halos kalahati ito ng pondo ng Pilipinas ngayong 2023 na P5.268 trillion.
Sabi ng Oxfam International, ang kabuuang kayamanang ito ng 10 richest Pinoys ay katumbas ng 55 milyong Pinoy. Ang population ng Pilipinas ngayong 2023 ay mahigit 117.3 million.
Ayon sa ulat, mas lumago ang kayamanan ng mga bilyonaryong ito nitong pandemya ng Covid-19, habang ang marami sa ating kababayan ay nabaon sa kayamanan. Tsk tsk tsk…
Ayon pa sa report, dapat buwisan ng mas mataas itong mga bilyonaryong ito para makalikom ng pondo ang gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay nabaong sa utang na higit P13 trillion, kungsaan ang halos P6 trillion dito ay gawa ng nakaraang administrasyong Duterte.
Sa report na ito, papayag naman kaya itong top 10 billionaires na taasan ang kanilang buwis eh halos ayaw ngang magbayad ng buwis ang mga ito. Yes!
As wel all know ang mga bilyonaryo ay ubod ng kuripot, ang bwat singko sa kanila ay mahalaga, kaya nga sila yumaman nang yumaman eh. Mismo!
Magdasal nalang tayo na mawalan na sila ng gana sa kulay ng kanilang kuwarta at ipamudmod sa atin na mga mahihirap. Wish ko lang!
***
Siniguro ni Comelec chairman Geore Erwin Garcia na magkakaroon ng halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 30, 2023.
Sinabi niya ito sa Bongao, Tawi Tawi nitong Sabado kungsaan mino-monitor niya ang ongoing voter registration sa lugar.
Aniya, ang pag-imprinta ng balota para sa October election ay ongoing na at ito’y matatapo sa Pebrero.
Ang BSKE ay huling ginanap noon pang 2018 at limang beses nang na-postpone simula ng Duterte administration.
Pero inaabangan pa ang decision ng Korte Suprema sa petition ni Comelec lawyer Romy Macalintal tungkol sa nangyayaring palaging pagpaliban sa BSKE. Ngayong buwan daw ito malalaman. Abangan!
The post Mas mataas na buwis para sa mga bilyonaryong Filipino; at pagtiyak sa BSKE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: