Facebook

Nakaw na RTW ibinenta sa online, nabawi

ARESTADO ang 31-anyos na itinurong nagnakaw ng nasa P5 milyong halaga ng ready-to-wear overrun garments sa bodega ng isang banyagang negosyante sa Malate, Maynila.

Kinilala ni Lt. Gary June Gading, hepe ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang suspek na si Sadic Garangan alyas Alex, residente ng Bagong Sikat, Parañaque City, na positibong itinuro ng jeepney driver at witness na si Ramon Austria, ang naka-transaksyon para sa paghahakot ng mga nakaw na RTW.

Bukod kay Garangan na isinailalim na sa inquest proceedings nitong Biyernes dahil sa paglabag sa Article 302 (Robbery In An Uninhabited Place), ang tatlong natukoy na bumili ng kahon kahong nakaw na garments na sinampahan din ng paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti Fencing Law).

Kinilala ang mga bumili na sina Jomal Macarampat alyas Azis, 24, online seller; Ainah Sultan, 24, online seller; at Akil Jamaloden, 23, driver, pawang residente ng Baclaran, Parañaque City.

Sa reklamo ng negosyanteng si Mr. Kowsar MD Abul, 59, RTW businessman, Enero 18, 2023 ng 9:30 ng umaga nang madiskubre niya na nawawala ang nasa 500 kahon ng overruns garments na nagkakahalaga ng P5,000.000.

Natuklasan ng saleslady na si Jennifer ang mga nawawalang garments na ibinebenta online sa Facebook.

Agad silang nagsumbong sa pulisya kungsaan ikinasa ang entrapment operation at nadakip ang mga ito.

Kasunod nito ang follow-up operation kungsaan natunton ang driver na si Austria. Sinabi ni Austria na nirentahan ang kaniyang dyip sa halagang P2,000 para sa ‘lipat-bahay’ na ‘di niya inakalang mga nakaw na garments ang hahakutin nila.

The post Nakaw na RTW ibinenta sa online, nabawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nakaw na RTW ibinenta sa online, nabawi Nakaw na RTW ibinenta sa online, nabawi Reviewed by misfitgympal on Enero 22, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.