DAHIL sa pinalakas na kampanya ng pamahalaang Marcos laban sa mga sindikato ay nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-IATG, ang isang shipment ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na may tinatayang street value na PHP 1,360,000 sa DHL Warehouse at matagumpay na nahuli ang consignee nito sa joint controlled delivery operations noong Enero 12, 2023 sa Dasmarinas City, Cavite.
Ang claimant na inaresto ng mga otoridad ay nakilalang si Goergette Elio,24,naninirahan sa San Marino Subdivision, Dasmarinas City, Cavite
Batay sa inisyal na imbestigasyon na dumating ang subject parcel sa Port of NAIA noong January 12,2023 bandang alas-6 pasado ng gabi kung saan ay idineklara bilang ‘Deep Tissue Massage’ na nagmula sa South Africa.
Gayunpaman,lumitaw sa 100% physical examination ng Customs examiner ay natuklasang naglalaman ang parsela ng 200 gramo ng nakatagong puting crystalline substance. Sa karagdagang pagsusuri sa laboratoryo ng PDEA, natuklasan na ang substance ay methamphetamine hydrochloride na kilala rin bilang shabu.
Isang team na binubuo ng BOC NAIA CAIDTF, PDEA at NAIA-IADITG operatives ang nagsagawa ng controlled delivery operation sa nasabing lugar na nagresulta sa paghuli sa claimant.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang sumasailalim sa custodial investigation ng PDEA para sa pagsisimula ng kaukulang inquest proceedings hinggil sa paglabag sa RA 9165 na kilala rin bilang Anti-illegal Drugs Act at RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).
Ang BOC Port of NAIA, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz, ay nananatiling nakatuon sa pagprotekta sa bansa laban sa pagpasok ng mga iligal na kalakal partikular ang mga illegal drugs kung saan ay higit pang paiigtingin ang pagbabantay at dedikasyon upang maiwasan ang mga pagtatangka ng smuggling activities na naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)
The post PHP 1.3 MILYON SHABU NA ITINAGO SA ‘DEEP TISSUE MASSAGE’, NASABAT NG BOC-PORT OF NAIA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: