Facebook

Reklamo sa pananaga ng singil ng Angkas, inihain ng isang commuter group

Naghain noong Martes ng reklamo sa Land Transportation Office (LTO) ang isang grupo, na binubuo ng mga pasahero, laban sa Angkas dahil sa di-umano’y kabiguan ng motorcycle ride-hailing service na mapigilan ang mga abusado nitong drivers sa pag-overcharge sa mga customers noong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon sa Coalition of Filipino Commuters (CFC), “ang paggamit sa mga holidays o rush hours o kabigatan sa sitwasyon ng trapiko para makapanaga ng singil sa commuting public ay hindi katanggap-tanggap kung kaya’t nananawagan kami na itigil na ang masamang kalakarang ito.”

Ang beteranong broadcaster na si G. Ira Panganiban ang tumatayong CFC national convenor.

Binigyang-diin ng CFC na may fare matrices naman na naaprubahan ang LTO at ito dapat ang siyang sinusunod.

Subali’t binalewala ito ng mga Angkas drivers na noong buong Kapaskuhan ay ino-off ang kanilang Angkas apps at kinontrata na lamang ang mga pasahero sa pamamagitan ng pagsingil nang napakamahal.

Para mapanagot ang Angkas, inihayag ng CFC na naghain ito ng isang reklamo laban sa kompanya dahil na rin sa “paulit-ulit nitong paglabag sa basehang fare matrix na kasalukuyang ipinatutupad ng motorcycle taxi technical working group.”

“Ang mga naturang paglabag,” anang grupo, “ay hindi lamang isang pandaraya sa pinagpagurang pera ng mga mananakay na Pilipino kundi nalalagay rin nito sa peligro ang buong ride hailing industry at pati na rin ang motorcycle taxi pilot.”

Sinabi ng CFC na bagama’t sinusuportahan nito ang motorcycle taxi bilang isang paraan ng pampublikong transportasyon ay patuloy pa rin nitong paaalalahanan ang mga transportation network companies, tulad ng Angkas, na isaalang-alang ang kapakanan ng mga Pinoy commuters kaysa ang pagkamal ng kita.

“Bilang isang commuter advocate group, tinatanggap natin nang buong puso ang anumang uri ng commuter transport basta ba sinusunod ng mga ito ang lahat ng regulasyon ng gobyerno lalo na pagdating sa patas na pasahe at kaligtasan ng mga pasahero,” anang CFC.

The post Reklamo sa pananaga ng singil ng Angkas, inihain ng isang commuter group appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Reklamo sa pananaga ng singil ng Angkas, inihain ng isang commuter group Reklamo sa pananaga ng singil ng Angkas, inihain ng isang commuter group Reviewed by misfitgympal on Enero 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.