Winasak ng mahigit limampung nakamaskarang kalalakihan na may bitbit na baril, itak, maso, martilyo, bara de kabra at naka-uniform pa ng security sa Pook Daang-hari, Barangay Bombongan, Morong, Rizal noong Enero 31 ng hapon.
Ayon sa pahayag ng mga residente, na 50 maskaradong kalalakihan na umano’y tauhan ng Path Land ang sumugod at gumiba sa tatlong bahay sa kanilang lugar.
Anila, ilan sa kanila ang na-trauma at nasugatan ang 2 anyos na batang lalaki, 3 buwan buntis na ginang, at mag-ina na hindi na pinangalanan nang biglang magtakbuhan dahil sa takot nang makita ang mga kalalakihang armado ng iba’t-ibang uri ng panggiba ng bahay.
Sa ulat, nagulantang din sa mahimbing na pagkakatulog si alyas Rambo, isang reserved airforce; at ang kanyang maybahay dahil sa nagaganap na kaguluhan sa kanilang lugar at sa putok ng baril.
Ayon kay Rambo, nakita niya kung paano gibain ang mga katabi niyang bahay at ng bahay na niya ang pinupuntirya ng mga nasabing kalalakihan sinita na nito ang mga gigiba.
“Bakit n’yo ginigiba ang mga bahay ng mga nananahimik na mga residente dito at may dala ba kayong kaukulang dokumento para i-demolish kami,” pahayag ni Rambo.
Sa tindi ng galit ni Rambo, naglabas ito ng toy gun, na inakala ng mga maskarakong kalalakihan na tunay ang hawak nito baril kaya kumaripas ng takbo ang mga ito.
Base sa pahayag ni Bornok, mahigit 23 taon ng silang naninirahan sa nasabing lugar bilang caretaker sa pagtatalaga ng Golden Farm Livelihood Program na pag-aari ni Antonio Bibit at nasasakupan ng TCT 5783 na site location ang kanila umanong tinitirahang lugar kung saan naka-tirik ang mahigit kumulang sa sampung kabahayan.
Nababahala ang mga residente sa nasabing lugar dahil pakiramdam nila ‘natutulog’ umano ang mga opisial ng kanilang barangay at kapulisan na dapat sana sila ang mga tagapagpatupad ng batas at tagapagligtas ng kanilang mga nasasakupan.
Nagpapasaklolo ang mga nasabing residente kay Chief PNP Dir. PGen Rodolfo S. Azurin, dahil ng dumulog sila sa presinto para magpa-blotter itinuro sila sa barangay at nang pumunta naman sila sa barangay sinabi dapat sa presinto sila lumapit.
The post 3 Kabahayan winasak ng 50 maskaradong kalalakihan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: