INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng puganteng Hapon na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sangkot sa illegal recruitment at pamemeke ng mga official documents.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang 50-anyos na pugante na si Amano Mototaka na naaresto noong Lunes sa Arellano Ave., Sta. Ana, Manila ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy.
Ibinunyag ni Tansingco na si Amano ay may arrest warrant na inisyu ng summary court sa Nagoya, Japan noong Sept. 30, 2022 pero natakasan niya ito sa pagtatago sa Pilipinas.
“We issued a mission order for his arrest after we received information from Japanese authorities that he is a wanted criminal, set to stand trial in Japan for his alleged crimes,” pahayg ng BI chief.
Base sa records na nakalap ng BI, si Amano ay kinasuhan sa Nagoya court ng falsifying false entries in original electromagnetic notarized deeds at ibinebenta nya ito.
Ang nasabing kaso ay paglabag sa Japan’s control and improvement of amusement business at ito ay may kaukulang kaparusahan sa penal code ng Japan.
Ang pugante ay iniimbetigahan din dahil sa ginawa nitong pag-aayos ng pekeng kasal ng mga Filipino applicants upang ang mga ito ay magkaroon ng long-term resident visas at makapagtrabaho sa kanyang illegally-operated entertainment bar.
Ang Hapon ay nakapiit ngayon sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City pending habang hinihintay ang deportation nito. (JERRY S. TAN)
The post Wanted sa illegal recruitment: Puganteng Hapon, arestado ng BI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: