KUNG sino mang sira-ulong director general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpatupad ng 30 percent ng kanilang nahuhuling mga iligal na droga partikular shabu ay napupunta sa suhol sa assets o tipsters, aba’y dapat itong kasuhan, mabulok sa kulungan!
Opo! Seryosong isyu itong ibinunyag ng kasakukuyang PDEA chief, retired Police General Moro Virgilo Mazo, sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte Representative “Ace” Barbers, na nang italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. noong Nobyembre 2022 ay may dalawang “assets” ang nagbulong sa kanya, nagsabing magbibigay sila ng trabaho kung ibibigay sa kanila ang 30 percent ng mahuhuling illegal drugs. Ito raw kasi ang naging kalakaran ng mga naunang PDEA officials.
Kung sino mang PDEA officials ang tinutukoy dito ng nasabing dalawang “assets”, dapat itong imbestigahan. Dahil baka kasabwat rin ito ng sindikato ng mga iligal na droga.
Si Wilkins Villanueva ang pinalitan ni Lazo noong Oktubre 20, 2022. Bago si Villanueva ay si Aaron Aquino ang PDEA Chief sa termino ni ex-President Rody Duterte.
Dapat ipatawag ni Rep. Barbers itong sina Villanueva at Aquino para malaman kung may katotohanan itong isiniwalat ni Lazo.
Dapat ding gisahin ang naturang 2 agents na sinasabi ni Lazo para malaman kung hindi paguwapo lang ng dating PNP SAF Commander ang kanyang expose.
Kasi kung totoo itong expose ni Lazo, nagpapatunay lang ito na matindi ang recycling ng mga nasasamsam na illegal drugs bago ang Marcos administration. Oo! ano pa ba ang gagawin nung assets sa 30 percent niyang parti sa mga nasamsam sa operasyon, alangan namang kakainin nila iyon. Surely, ibebenta uli nila yun! Mismo!
Kaya siguro bigo ang ‘war on drugs’ ng Duterte administration sa kabila ng napakaraming natumbang “drug lords” kuno at mga adik/tulak kasama na ang mga inosenteng napagtripan ng mga gagong lespu ay dahil narin sa tirada noon ng PDEA.
Oo! Nakakabahala ang isiniwalat na ito ni Lazo. Dapat seryosohin ng Kongreso ang pag-iimbestiga rito hindi lang para sa ‘aids of legislation’ kundi para narin mapanagot ang may gawa ng bulok na sistemang ito. Fuck!!!
***
Todo tanggi naman ang PNP na shabu ang kanilang sinusuhol sa mga tipster. Pera raw ang ibinibigay nilang pabuya ayon narin sa nakasaad sa batas. Very good!
Oo nga pala…may nabasa akong kolum tungkol doon sa pulis na nahulihan ng P6.7 billion halaga ng shabu sa Maynila noong Oktubre 2022. Ito yung si Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. ng anti-drugs ng PNP.
Sabi sa kolum, si Mayo ay isang deep penetration agent (PDA) ng PNP. Kaya raw hindi gumugulong ang kaso nito, kungsaan ibinasura pa ng PNP ang rekomendasyon ng IAS na sibakin sa serbisyo si Mayo, dahil marami raw itong alam kaya hindi basta pinakawalan ng pambansang pulisya.
Si Mayo ay kasama sa listahan ng ‘ninja cops’ ni ex-Pres. Duterte noon. Pero ‘di naman siya tinumba, pinuwesto pa nga sa PNP Drug Enforcenent Unit. Subaybayan!
The post 30% ng nahuhuling shabu suhol ng PDEA sa assets? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: