Mayroon na lamang hanggang Hunyo 30 ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney.
Ito ang paniniyak ni LTFRB Technical Division head Joel Bolano na nagsabing apat na beses na umano nilang napagbigyan ang mga operators na magbuo ng kanilang kooperatiba bilang bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng modernized jeepneys.
Dagdag pa nito, magiging exempted lamang ang ilang mga traditional jeepney operators na kasalukuyan ng inaayos ang kanilang membership sa mga kooperatiba.
Binigyan ng LTFRB ng hanggang Disyembre ang mga operators ng traditional jeepneys na sumapi sa mga kooperatiba at kung hindi ay tuluyan na silang mapapalayas sa mga lansangan ng Metro Manila.
Pagtitiyak din ni Bolano na kanilang tutugunan ang problema sa kakulangan ng masasakyan kapag tuluyan nang matanggal ang mga tradisyunal na mga jeepneys sa mga lansangan.
Tila hindi magandang balita ito sa sambayanang Pilipino dahil malaking populasyon ng mga ordinaryong mamamayan ay umaasa sa mga jeepneys bilang kanilang means or mode of transportation partikular na dito sa Metro Manila.
Sa ating pananaw, lalo lamang lalala ang problema sa kahirapan dahil malaking sektor ng pamayanan ang direktang maAapektuhan gaya ng mga maliliit na manggagawa at mga estudyante na sa jeepney lamang umaasa ng masasakyan. Isinabay pa ito sa planong pagsuspindi sa operasyon ng Philippine National Railways na di natin sukat-maisip kung anong klaseng inutil na diskarte ng kasalukuyang gobyerno.
Tila may nais na senaryo na namang gustong palutangin ang mga dorobong opisyal ng Marcos administration.
Nais palabasing may namumuong krisis sa transportasyon na puwede na naman nilang pagka-KUWARTAHAN!
Ito ay matapos ang kontrobersiya sa SINADYANG shortage sa supply ng asukal at sibuyas.
After ng isyu sa mga agricultural products ay eto na naman ang mga dorobong nasa poder para bulabugin ang mga Pilipino at isadlak sa panibagong krisis kung saan direkta na namang tatamaan ang mga pobre nating kababayan.
Ano bang klaseng pamahalaan ito na nakasentro sa tila manipulasyon sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nakatuon ang kanilang focus at plano.
Malinaw na economic sabotage ito ng mga taong walang puso at gahaman sa kinang ng kuwarta.
Kung sino man ang mga taong ito na nahubaran na ng mascara sa kainitan ng isyu sa isyu ng asukal at sibuyas, malamang sa hindi, na ang mga Herodes ding ito ang nasa likod ng pinaplanong pagsabotahe sa transport industry.
Wag na tayong magpabudol pa sa mga planong ito ng kasalukuyang gobyerno.
Sinister plans ito na may layong maghasik na kaguluhan, kalituhan at panic sa mamamayan upang mamanipula ang kanilang disposisyon at pamumuhay.
May kasunod…
Abangan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post JEEPNEY PHASE-OUT TULOY NA, DAGDAG PASANIN KAY JUAN DELA CRUZ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: