Facebook

AYUSIN ANG BUDGET NG NAVY, COAST GUARD

Pahapyaw kong binanggit noong Sabado na kailangan lakihan ang budget ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) upang harapin ang hamon ng China sa West Philippine Sea (WPS). Kailangan ng mga bagong sasakyang dagat upang palakasin ang patrol ng PN at PCG sa ating baybayin dagat. Bantayan upang itigil ng China ang anumang pangangamkam ng ating karagatan at teritoryo at pagnanakaw ng ating yaman dagat.

Kailangan armasan ang mga PN at PCG personnel upang harapin ang mga sasakyang dagat ng China. Hindi tayo dapat masindak sa mga kumakamkam ng ating teritoryo at karagatan at nagnanakaw ng ating yamang dagat. Kaaway natin sila. Huwag maniwala kay Rodrigo Duterte sa kanyang karuwagan. Tanging si Duterte lang ang nasisindak sa mga Intsik. Takot siya.

Umabot sa P5.268 trilyon ang pambansang budget sa 2023. Kinakatawan ang 4.9% pagtaas sa budget na P5.024 trilyon noong 2022. May kabuuang budget na P204.57 bilyon ang budget ng Department of National Defense (DND) sa national budget.

Sa budget ng DND, umabot sa P197.116 bilyon ang budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang natira ay budget ng defense establishment.

Pinakamalaki sa budget ng tatlong service command ang Philippine Army (PA) na umabot sa P110.328 bilyon; sumunod ang Philippine Air Force (PAF), P35.569 bilyon; at pinakamaliit ang Philippine Navy, P34.939 bilyon. Bukod ang budget ng General Headquarters, o GHQ, at umabot ito sa P16.279 bilyon.

Isa sa pinakamaliit sa mga ahensyang nasa ilalim ng Department of the Interior at Local Government ang budget ng Philippine Coast Guard (PCG) at umabot ito sa P21.263 bilyon.

May pagkukunan tayo upang palakihin ang budget ng PN at PCG. Hatiin ang budget ng Office of the Vice President nasa P2.243.9 bilyon. Masyadong malaki ang budget ng OVP.

Nakalaan ang P920 milyon sa financial subsidy ng OVP at P500 milyon sa confidential and intelligence fund and “extraordinary expenses” ng OVP. Malaki ito sa isang ahensya na walang ginagawa kundi maghintay sa pagkamatay ng pangulo upang umupo ang pangalawang pangulo. Trabaho ng DSWD ang magbigay ng subsidy sa mga nasalanta at hindi OVP. Trabaho ng DND ang mangalap ng intelligence information at hindi OVP.

Bakit hindi ibigay ang P1 bilyon ng budget ng OVP para sa PN at PCG upang makabili ng mga makabagong sasakyang pandagat at armas at tugunan ang pangangailangan ng ating mga PN at PCG Guard personnel sa ating baybayin dagat?

May alyansa tayo sa Estados Unidos na nakahandang tumustos sa ating pangangailangan na ipagtanggol ang bansa. Hanggang kailan tayo aasa sa alyansang iyan? Paano kung isang Republican na mas sira ang ulo kay Donald Trump ang maging pangulo ng Estados Unidos? Kailangan na manatili tayong nakahanda sa lahat ng kapahamakan.

***

HALOS naihi sa salawal si Rodrigo Duterte, Bato dela Rosa, iba pang kasapakat sa madugo ngunit bigo na digmaan kontra droga. Ipinipilit nila na walang kapangyarihan ang International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng formal investigation sa kanila. Hindi sila umano saklaw ng kapangyarihan ng ICC. Noong nasa poder pa si Duterte, tinakot pa niya na huhulihin ang mga opisyal na ICC na bibisita sa bansa upang gampanan ang kanilang tungkulin. Tinakot sila kamakailan ni JPE na ipaaresto sila sa bansa, ngunit biglang nanahimik ang matanda ng batikusin siya sa social media ng mga mas nakakaalam ng usapin.

Kamakailan naglabas ng isang resolusyon si GMA kasama ang 18 mambabatas na naglalayon pigilin ang ICC sa kanilang imbestigasyon kay Duterte at mga kasapakat. Hindi nagklik ang resolusyon dahil konti lang ang lumagda, Dumagdag si BBM na nagsabing isang “bansa sa soberenya” ng Filipinas ang formal investigation ng ICC.

Pawang batay sa kamangmangan ang kanilang posisyon. Kasama ang Filipinas sa 120 bansa na nagpatibay sa Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC. Niratipika ito ng Senado noong 2010. Kasama si JPE sa mga senador na bumoto sa ratipikasyon. Dahil sa ratipikasyon, kasama ang Rome Statute sa international law na kinikilala ng ating Saligang Batas. Sinusunod natin ang Rome Statute.

Nang nagdesisyon noon 2018 ang ICC na tuloy ang “preliminary investigation” (iba ito sa formal investigation) sa sakdal na crimes against humanity na iniharap laban sa kanya noong 2017, tumiwalag umano ang Filipinas sa Rome Statute. Tanging si Rodrigo Duterte ang nagdesisyon ng pagtiwalag sa ICC. Hindi kasama sa nagdesisyon ang Senado na nagratipika ng tratado. Hindi kinunsulta, tinanong o kinausap ang mga senador. Basta tinopak lang si Gongdi. Nagkabisa ang pagtiwalag noong Marso, 2019.

Ito ang posisyon ng ICC: Kahit tumiwalag na ang Filipinas sa Rome Statute, tuloy ang pag-usig ng ICC. Ngunit sakop ng kanilang imbestigasyon ang mga krimen na nangyari sa panahon na na saklaw tayo ng ICC. Ito ay mula 2010 hanggang 2019. Hindi sakop ang mga krimen na wala pa ang ICC at tumiwalag tayo. Malinaw iyan at nakasaad iyan sa mga probisyon ng ICC. Iyan ng hindi inilabas ni Duterte, Bato, at kahit si BBM. Mukhang binigyan siya ng maling payo ng kanilang mga legal adviser.

***

May isinulat ako tungkol sa posisyon ni BBM na lumabas noong Linggo: Post ko ito sa socmed:

“BBM’S line of argument is not new. This is the usual line of despots and their apologists to escape prosecution and trial by the ICC. This is to be expected. I recall the trial of Slobodan Milosevic, the butcher of Yugoslavia, who did what was described as “ethnic cleansing” in the Balkans. This was in 2001, when the International Criminal Tribunal for the former Yugoslavia (ICTY) was formed by the United Nations Security Council in 2000 to conduct trial for Milosevic for war crimes and crimes against humanity against him. At that time, the Rome Statute was not yet approved and ratified by the member-states to form the International Criminal Court (ICC). ICTY was ICC’s forerunner.

“The newly elected president of Serbia, who replaced Milosevic, who lost the previous elections, opposed his submission to the ICTY, on the ground it was against the Constitution of Serbia. His basis was purely legal. But Serbia’s prime minister, Zoran Djindjic, opposed Serbia’s president and had Milosevic extradited to The Hague, where the ICTY had its headquarters. The question is why Djindjic gave up Milosevic for extradition. The reason given by Judith Armatta in her book, “Twilight of Impunity,” said Serbian leaders succumbed to the promise of at least $1 billion official development assistance (ODA) for the recovery of war-ravaged Serbia and its eventual membership in the European Union. Bumigay sila sa biyaya. Mangyari kaya dito iyan?

“Milosevic was a spent force. He was no use to the new Serbia, which had to recover after years of the destructive Yugoslavian Wars. This may happen to us, if the U.S. and other democratic countries offer some positive encouragement for BBM to give up Gongdi. Rodrigo Duterte, a former president, has no use to BBM. Inuupakan pa nga siya ng baliw na iyan. Laro lang sa biyaya iyan.”

***

MGA PILING SALITA: “Walang maipagmamalaki ang mga Marcos sa Himagsikan sa EDSA. Talo sila. Masakit sa kanila iyan. Hindi nga nila matanggap iyan.” – PL, netizen

“Wala daw jurisdiction ang ICC sa Pinas pero nagpa-panic sila at hindi na mapakali.” – Eden Aguas, netizen

The post AYUSIN ANG BUDGET NG NAVY, COAST GUARD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AYUSIN ANG BUDGET NG NAVY, COAST GUARD AYUSIN ANG BUDGET NG NAVY, COAST GUARD Reviewed by misfitgympal on Pebrero 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.