Isang departamento daw sa Manila Police District (MPD) ang kumakaladkad umano sa mabuting pangalan ni MPD-District Director Gen. Andrei Dizon partikular na sa pangongolekta ng tara sa mga vendor at illegal vices sa Maynila.
Ayon sa inpormante, ang hihihinging tara daw sa kanila ay direkta at para daw sa Office of the District Director (ODD) na nasailalim nismo ng pamamahala ng butihing Heneral.
Sinabi ng inpormante na nagpakilala daw ang mga naturang pulis na taga District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) na pinamumunuan daw ng isang Capt. Casagan na nakabase sa MPD Headquarters sa UN Avenue.
Ang kolektor naman anila ay nagpakilalang isang alias Gerald na personal daw na tauhan ni Capt. Casagan. Maliban daw dito kay Gerald ay wala na silang iba pang kakausapin.
Una daw nagpakilala ang grupong ito noong nakaraang linggo na kung saan ilan mga vendor at kubrador ng illegal bookies ang kanilang hinuli at dinala sa kanilang opisina.
Ang purpos pala nito ay upang sila ay kausapin hinggil sa bibigay nilang tarang P20,000 kada linggo.Ang nasabing halaga daw ay para sa ilan grupo ng mga vendor samantalang ang mga bookies naman daw ay para na sa iba pa nilang butas na naka-umbrella sa kanila.
Ito anila ay direktang utos sa kanila galing sa ODD at wala silang ibang maga-gawa kundi sundin at tuparin ito.
Sinabi ng mga vendor na baka naman daw pwedeng bawasan ang tarang hinihingi nila dahil sa sobrang bugbog na sila sa dami ng iba pang departamentong binibigyan nila mula naman sa Manila city hall.
Ang mga departamentong ito anila ay mula sa DPS, MPTB, HAWKERS at Engineering department. Dito lang daw napupunta ang kanilang kinikita sa araw-araw.
Kung madadagdagan pa daw ito ng DPIOU at ODD ay parang sila na lang ang aming pinaghahanapbuhay eh wala naman kaming kasing kawawa.
Masyado naman daw silang inaalipusta dahil sa alam na nilang kami ay pilay na nguni’t ngayon ay parang lumpo na at inbalido kami sa kadahilanang wala na kaming naiuuwi sa aming pamilya bagama’t kami ay may hanapbuhay naman.
Kung dati ay umiiyak kami ngayon ay umaatungal na sa sobrang hirap na aming dinadanas. Sana naman daw ay sila ay paluin na lang at huwag namang hagupitin dahil sa ito ay mag-iiwan ng latay sa kanilang katawan at pagkatao.
HAVE MERCY!!! anila, konting intindi at unawa lang ang aming hini-hingi sa mga kinauukulan. Patawarin man lang kami kahit na konti he… he… he…
Ang tanong at punto dito ay kung alam naman kaya ng butihing heneral at MPD District Director Andrei Dizon ang aktibidad ng kanyang mga pulis na kung saan gamit pa ang kanyang mabuting pangalan at opisina.
The post ISANG DEPARTAMENTO SA MPD, KINAKALADKAD DAW ANG PANGALAN NI DD GEN. DIZON appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: