Matapos natin yanigin ng upak tungkol sa mga illegal na pasugalan sa Antipolo, Rizal itong si Col.Dominic Baccay, provincial director ng Rizal PNP, ay agad ipinag-utos nito na ipahinto ang mga kupal na illegalistang tulad nila TOTO, JESS at BERT.
Pero tila mas matindi ang utos ni alyas Junjun Cruz na ituloy lang ang lahat ng sugalan sa buong Rizal.
Mas matindi pala ang utos ng nagpapakilalang bagman ni PD kesa kay PD Baccay mismo.
Ayon sa ating source, P35K kada linggo ang kinukuhang koleksyon (payola) ni JUNJUN CRUZ sa bawat puwesto ng sugalan para kay PD Baccay.
Hindi lang din si PD ang pinangongolekta ng tigas- titing si JunJun Cruz, maging si RD ay kinokolekta nito.
Kaya ba hindi iniintindi ang utos ni PD Baccay dahil pati si RD ay maaapektuhan sa kanilang quota?
O sadyang mas matigas ang kolektong este kolektor kesa sa amo?
Mantakin mo nga naman P35mil bawat puwesto ng sugalan.
Kung may 10 puwesto bawat bayan sa Rizal tumataginting na 350K weekly sa isang bayan, Diyos mijo Marimar!
Ilan ang bayan ng Rizal na may mga ganitong uri ng sugalan,idagdag mo pa ang Kasiglahan sa Montalban, Rodriguez Rizal. Ang sa Taytay,Teresa at sa iba pang bayan ng lalawigan.
Aba!
Ayahay nga naman kung ganito ang tara ng tigasing si JunJun para kay PD.
Katumbas din kaya ito ng pinangongolekta nito para naman kay RD PBGEN Jose Melencio C Nartatez, Jr?
Kung pulis patola nga ba itong si alias JUNJUN Cruz, madaling patunayan na scalawag ito at patong sa iligal.
Alamin lang ng PNP-IMEG ang tunay na networth nito sa kanyang SALN pati na rin ang networth ng kanyang misis at maging ng kanyang mga anak.
Hindi birong kaso ang maging bagman ng matataas na opisyal ng pambansang kapulisan.
Itanong pa natin kay DILG Secretary Benhur Abalos at PNP chief,Gen.RodolfAzurin Jr.
Speaking of Gen.Azurin,bakit NINONG ang tawag sa inyo nitong kupal na si JUNJUN Cruz?
Inaanak mo ba ang bukolerong si JUNJUN Cruz Gen.Azurin sir?
O para kayong sindikaho ng MAFIA na NINONG ang tawag sa kanilang pinaka- pinuno?
Nagtatanong lamang po Gen.Azurin sir?
Paki tanong na rin po nang personal sina Gen.Nartatez at Col.Baccay kung talagang bagman nila itong si JUNJUN CRUZ.
Kung tunay na may respeto sa inyo Gen.Azurin ang dalawang nasabing opisyal,aamin at aamin ang mga iyan sa inyo.
Alam naman nyo siguro Gen.Azurin ang nagsasabi ng totoo sa mga nagsisinungaling!
Sa tagal nyo na sa serbisyo ng pagpupulis,di na kayo kayang paikutin pa o mapaglalangan.
Nasa kamay nyo po Gen.Azurin ang entire Intel network ng buong PNP kaya imposibleng di nyo makapa at maamoy ang kupal na galawan ng isang JUNJUN CRUZ.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post SINO SI JUNJUN CRUZ SA BUHAY MO COL.BACCAY SIR? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: