Dumalo sa pagdinig na ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kinatawan ng kompanyang Flex Fuel.
Sa pangunguna ni Atty. Janine Chua at Atty. Charles Fernandez, itinanggi nila ang paratang sa kanila ng kompanya na sangkot ito sa investment scam.
Paliwanag ni Atty. Chua, sa ngayon nangangalap pa ng mga dokumento ang Flex Fuel sa mga reklamong isinampa sa kanila pero tinitiyak nyang makikibahagi ang kanilang kompanya sa anumang imbestigasyon.
Nitong Lunes, muling nagtungo sa NBI ang mga biktima ng umano’y scam at iginiit na kaya sila lumahok sa investment dahil sa impluwensya ng aktor at host na si Luis Manzano.
Si Manzano kasi ang dating co-owner at chairman ng Flex Fuel Petroleum Corporation na nakapambiktima umano ng nasa 40 katao.
Nauna nang itinanggi ng aktor ang mga bintang na kasama siya sa mga nagpatakbo ng kompanya.
The post Kompanyang Flex Fuel, iginiit na ‘di sangkot sa investment scam appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: