HINDI na papayagan ang mga kawani ng senador na mag-park ng kanilang sasakyan ng magdamag o overnight.
Ito’y matapos maglabas ng advisory noong Pebrero 13 si retired Lt. General Roberto Ancan, pinuno ng Office of Senate Sergeant at Arms (OSAA), na nag-aatas sa mga kawani na huwag nang igarahe ng magdamag sa open parking area sa loob ng Senado ang kanilang sasakyan.
“As you well know, our parking lot is limited, thus designed to accommodate vehicles during working hours only. Parking vehicle overnight creates several challenges and puts undue strain on out limited parking resources,” sabi ni Ancan sa advisory.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na naglabas ang OSAA ng advisory na nagbabawal sa lahat ng empleyado na mag-park ng kanilang mga sasakyan sa loob ng Senado.
Kung wala nang parking space sa loob ng Senado, maari naman mag-park ang mga kawani ng kanilang sasakyan sa labas, partikular sa gilid ng kahabaan ng Diokno Boulevard.
Inaabisuhan din ang mga kawani ng Senado na kumuha ng OSAA car sticker para magkaroon ng access sa open parking area ng Senado.
The post Overnight parking bawal na sa Senado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: