Facebook

Bagong health center, multi-purpose hall at higit pang Infra projects pinasinayaan sa Caloocan

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagpapasinayan sa ilang mga proyektong pang-imprastraktura sa Barangay 166 at 176 bilang bahagi ng kanyang pangako na pagandahin pa ang mga pampublikong pasilidad sa lungsod.

Binigyang-diin ni Malapitan, na naglalayon ang nasabing mga proyekto na itaas ang kalidad ng serbisyo publiko at nakahanay ang pamahalaang lungsod sa sarili upang matulungan ang bawat komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyektong pang-imprastraktura.

“Tuloy-tuloy ang pagtu-turn-over ng ating mga nasimulang proyektong pang-imprastraktura simula pa noong tayo’y kongresista hanggang ngayon na pinaglilingkuran natin ang Caloocan bilang alkalde,” wika ni Mayor Along.

“Asahan niyo pong katuwang niyo ang lungsod sa pagpapaunlad ng mga aktibidad ng ating bawat Barangay,” dagdag pa nito.

Isang dalawang palapag na gusali ang bagong multi-purpose hall sa Barangay 166, na may tatlong conference room na inilaan para sa mga pagtitipon, panlipunang pagpupulong at mga kaganapan.

Samantala, proyektong pinondohan ng local government unit (LGU) ang two-storey health center na matatagpuan sa Phase 3, Barangay 176 ay mayroong receiving area, examination room, dental room at dedicated wing para sa minor surgeries.

Ipinahayag ni Mayor Along na lubos na nakatutok ang lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan nito, lalo na sa malalaking komunidad tulad ng Barangay 176 na may mahigit 260,000 residente.

“Dahil Barangay 176 ang serbisyong barangay sa lungsod base sa laki at populasyon, sinisikap nating palawigin ang ating lalo na sa aspeto ng pangkaraniwang kalusugan,” wika ni Malapitan.

Pinangunahan din ng Alkalde ang inagurasyon ng bagong covered court at multi-purpose building sa nasabing Barangay na gagamitin para sa mga social gatherings, sport events at medical missions.(BR)

The post Bagong health center, multi-purpose hall at higit pang Infra projects pinasinayaan sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bagong health center, multi-purpose hall at higit pang Infra projects pinasinayaan sa Caloocan Bagong health center, multi-purpose hall at higit pang Infra projects pinasinayaan sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.