Facebook

Bagong national officers ng partido Lakas-CMD inihalal!

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kilalang tao sa larangan ng pulitika sa pagpupulong ng Lakas-Christian Muslim Democrats’ (Lakas-CMD) Executive Committee sa Manila Golf and Country Club sa Makati City kamakalawa ng hapon

May bago nang opisyales at miyembro ang Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos ang maghalal ang executive committee and national advisory council nito noong nakalipas na araw ng Biyernes.

Ang eleksyon ay nakapaloob sa Resolution No. 1, seroes of 2023, na inaprubahan ng mga miyembro ng partido at nakumpirma ng mga kasalukuyang opisyal na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Vice President Sara Duterte, na itinalaga bilang Pangulo at tagapangulo, ayon sa pagkakabanggit.

Sinabi ni Romualdez na ang pagtatalaga ng mga bagong pinuno ng Lakas-CMD ay magpapalakas at magpapasigla sa partido bilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang Agenda for Prosperity at socio-economic roadmap.

“We hope to further grow our membership with new recruits who share our ideals, programs and goals, and aspirations for our people and our nation,” aniya.

Sa kasalukuyan, ang Lakas-CMD ay may 68 kinatawan bilang mga miyembro maliban pa sa daan-daang bilang ng mga gobernador, alkalde, provincial board at city at municipal council members, at iba pang lokal na opisyal.

Maliban kina Romualdez at Vice President Duterte kasama rin sa nahalal sina dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang chairperson emeritus; dating Speaker Jose de Venecia Jr. bilang co-chairperson emeritus; Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang co-chairperson, Capiz Gov. Fredenil Castro bilang vice chairperson, at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe bilang executive vice president.

Ang iba pang mga opisyal ay sina Agusan del Norte Rep. Jose Aquino ll bilang, secretary general; North Cotabato Rep. Samantha Santos, deputy secretary general; at Quezon Rep. David Suarez bilang ingat-yaman; at iba pa.

Ang mga nasabing opisyal ay itinalaga rin bilang mga miyembro ng national executive committee.

Ang partido ay bumuo ng isang pambansang advisory council upang suportahan ang executive committee.

Bubuo sa konseho sina dating Rep. Juan Miguel Arroyo, Diosdado Ignacio Arroyo, Lourdes Arroyo, Prospero Pichay Jr. Wilter Wee Palma, Aleta Suarez, Hector Sanchez, Paz Radaza, Leonardo Babasa Jr., Anthony Peter Crisologo, Mari Grace Preciosa Castelo, at Sandra Eriguel.

Habang si dating executive secretary Eduardo Ermita, dating secretaries Gabriel Claudio at Nasser Pangandaman Sr., at Agriculture Undersecretary Zamzamin Pamintuan ay kasama sa advisory council. (Cesar Barquilla)

The post Bagong national officers ng partido Lakas-CMD inihalal! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bagong national officers ng partido Lakas-CMD inihalal! Bagong national officers ng partido Lakas-CMD inihalal! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.