IPINAGKALOOB ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang libreng X-ray para sa mga residente sa lungsod.
Ito ay bahagi ng programa ng Las Piñas LGU sa ilalim ng inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar hinggil sa patuloy na pagtiyak sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.
Pinangasiwaan ng City Health Office ang pagsasagawa ng free X-ray sa mga residente na naglalayong ma-detect o malaman ang mga kaso ng pulmonary tuberculosis sa komunidad para sa agarang interbensyon at pamamahala.
Sinimulan ng CHO ang kanyang Active Case Finding activities para sa tuberculosis program sa pamamagitan ng libreng x-ray at pangongolekta ng sputum specimen sa TS Cruz Covered Court, Barangay Almanza Dos kung saan daan-daang residente ang lumahok at nakinabang sa nasabing programa. (JOJO SADIWA)
The post LAS PIÑAS LGU, NAGKALOOB NG LIBRENG X- RAY PARA SA LAS PIÑEROS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: