Ikinokonsidera kung paano pinalakas ng global pandemic ang mga negosyo sa online sa bansa, binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat paigtingin ng gobyerno ang pagsuporta sa Filipino micro-entrepreneurs.
Co-sponsor at co-author ng Senate Bill 1846, nais ni Go na maprotektahan ang mga mamimili at mangangalakal na nakikibahagi sa e-commerce.
Sinabi ni Go na sa pagpasok ng bagong normal, hindi maikakaila na ang mga online transactions ay naging isa nang pangangailangan at bagong pamantayan para sa lahat.
“Napakarami pong covered ng e-commerce: from our basic needs like food, drink, and clothing; our medical needs; and even our mobile devices can be availed online, talaga pong anything under the sun,” ipinunto niya.
Ayon sa 2021 eConomy SEA Report ng Google at Temasek, ang internet economy sa bansa ay tumaas mula $9 bilyon sa Gross Merchandise Value (GMV) noong 2020 hanggang $17 bilyon sa GMV sa sumunod na taon at inaasahang lalago sa $26 bilyon sa GMV sa 2025.
Nakasaad sa panukalang batas na ang Pilipinas ang may pinakamababang digital consumer penetration sa rehiyon sa 68%, mas mababa kaysa Singapore (97%), Thailand (90%), Malaysia (81%), Indonesia (80%) at Vietnam (71%) .
Sa kabilang banda, ito ay nagpapahiwatig ng malaking potensyal para sa paglago sa mga transaksyong e-commerce.
“Protektahan po natin ang mga maliliit na negosyo at online sellers na gusto lamang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya, lalo na ngayong panahon na ito. Napakakrusyal nito sa pagbangon ng ating bansa,” diin ni Go.
“Given the rising number of consumers opting to more convenient and safer ways of doing business, it is therefore incumbent to the State, to provide its constituents the protection it can give, to ensure that the rights and safety of both the customer and merchants are upheld in every transaction,” idiniin ng senador.
Sa panukalang batas, layon nitong lumikha ng isang e-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na magkakaroon ng awtoridad sa mga aktibidad na isinasagawa sa internet para mapahusay ang regulasyon.
Nagbibigay din ito ng regulatory jurisdiction sa DTI sa e-marketplaces, e-retailers, online merchant, at iba pang digital platform na nagbebenta o nagpapalitan ng mga produkto, serbisyo, o digital na produkto, gamit ang Philippine market.
Pinagsasama-sama ng SBN 1846 ang walong bill, kabilang ang SBN 612, 806, 1125, 1250, 1341, 1424, 1478, at 154, kung saan ang huli ay inihain ni Senator Sherwin Gatchilian at co-author si Go.
“I express my utmost support to the passage of the measure… In fact, I co-authored the measure filed by Senator Win Gatchalian. To our consumers and merchants, makakaasa po kayo that we are doing everything that we can to protect your rights and interest,” paniniyak ni Go.
Patuloy ring isinusulong ni Go ang kanyang inihain na SBN 1184, o ang panukalang “Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act of 2022” na layong palakasin ang panlipunang proteksyon sa mga indibidwal na nasa delivery services.
Itinutulak din ni Go ang digitalization ng mga transaksyon sa gobyerno upang mabawasan ang red tape, maiwasan ang korapsyon, mapabuti ang paghahatid ng serbisyo, at mailapit ang gobyerno sa mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng information and communication technology.
The post Bong Go: Online consumer, merchants proteksyonan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: